"Where the hell are you? Wala kana sa apartment mo?" bungad ni Auel ng sagutin ko ang tawag nya. Nandito ako sa kusina at nagluluto ng pagkain.
"Dito sa bahay ni Adonis." ang sagot ko at pinatay na ang kalan. Tinikman ko ang tinola at sakto naman pala ang pagkakaluto ko.
"Tumuloy ka pero hindi mo sinabi. Alam mo bang buong linggo akong binuwisit ni Clive?" halata sa boses nito ang matinding pagka irita.
Pumunta ako sa living room at naupo sa couch. Naisip ko si Clive,bakit ba ayaw pa din nyang tumigil?
"Pabayaan mo sya. Sobra ang galit sa akin ni Yannah at ayokong madamay sa gulo nila." ani ko at bumuntong hininga. Nagawa ko noon na layuan si Clive,kaya ko ding gawin ngayon.
"Ganun nga ang ginawa ko. By the way,I have a news for you."
Kahit hindi ko kaharap si Auel ay napataas ang kilay ko. Bigla kasing sumigla ang boses nya.
"Ano naman iyon? Mukhang ang saya mo. Napipicture out ko na nakangisi ka hanggang tenga." nakangiti kong sabi dito.
"Yeah. It was something to do with me. May nakilala akong babae at nililigawan ko na." masigla nyang sagot. Tama nga ang hinala ko.
"Wow! Pakilala mo sa akin! Good news iyan!"
"Nararamdaman kong sya na ang para sa akin,Kloyy. Love at first sight siguro. Kasi una ko pa lang syang nakita,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,para akong kinakabahan na ewan."
I know,Auel. Ganyan din ang naramdaman at nararamdaman ko kay Clive. And the truth hurts na hindi kami pwede,bukod sa bakla ako ay may girlfriend sya,Im just his bestfriend. Bestfriend na nakasex nya.
Matapos ang pag uusap namin ni Auel ay napa isip na ako. Sa totoo lang napapagod na ako sa kakaisip. Parang hindi na napahinga ang utak ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Kiarr. Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Nalulunod ako." aniya habang naglalakad palapit.
"Huh?"
"Nalulunod ako sa lalim ng iniisip mo." aniya,ngumisi at naupo sa kaharap kong couch. Napaka gwapo nya,hindi ko pa din makalimutan yung nangyari sa amin. At hanggang ngayon,nahihiya pa din ako.
"Baliw ka talaga! Nakapag luto na ako,kumain ka na kung gusto mo." sabi ko na lang at ngumiti din.
"Hay! Para talaga akong nag asawa! Ang swerte ko at ikaw ang housemate ko. Mabuti na lamang at hindi ako minumulto ni kuya Adonis." ani Kiarr at tumawa.
"Dahil dyan,mumultuhin ka na nya!" biro ko at nagtawanan kaming dalawa.
Tumunog ang phone ko kaya napatigil kami sa pagtawa. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. It was my cousin.
"Hello? Napatawag ka?" sagot ko. Tumingin ako kay Kiarr,sumenyas sya na pupunta syang kusina,tumango ako at umalis na sya.
"Gusto ko lang malaman mo na may masamang nangyari sa mga magulang mo. Kailangan mong umuwi dito sa Cebu."
Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa aking narinig.
"Huwag mo akong binibiro ng ganyan,Kryann." ang agad kong banta dito.
"Hindi ako nagbibiro. You need to get back here. Hindi maganda ang kundisyon nina Uncle at Auntie."
Nanikip ang dibdib ko. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Anong nangyari kina Mama at Papa? Shit! Wala akong kaalam alam. Masyado akong tutok sa sarili ko,shit talaga.
"May problema?" ani Kiarr ng magpunta ako sa kusina.
BINABASA MO ANG
Beautiful Days (Completed)
Fiction généraleBOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala syang balak ipaalam kung sino ito dahil takot sya,hanggang sa may mangyari sa kaibigan nyang si Winji na lalo nyang ikinatakot,natakot sya...