Chapter 28: CONSEQUENCES

2.3K 64 23
                                    

Waves. Bikinis. Sea salt drenched hair. Tan lines. Ice cold beers.

Run. Run. Run.

But it ain't paparazzi that's chasing us. It's the waves that's chasing us.

Tanghaling tapat at nakabilad kami sa araw. Mahapdi na ang mga balat namin pero wala padin kaming pakialam. Kung pwede lang, kung may pause button lang sana ang real life, or slow motion man lang, siguro ilang beses na namin pinause or ginawang slow motion ang mga oras namin dito sa batangas.

"Beshie!!"

Niyakap ako ni sarah mula sa likod. Pareho kaming nagtawanan. Tumakbo palapit saamin si ken tapos niyakap kaming dalawa ni sarah. Namiss talaga namin ang isa't-isa. Tres marias nga ang tawag saamin nung limang unggoy na lalaki eh. Kung hindi tres marias, power puff girls. Lalo na daw nung nasa DA pa kami tapos pinag chicheer namin sila tuwing may basketball game sila. Mukha daw talaga kaming power puff girls.

Tumingin ako kay kelly na nakatingin saamin. Nasa beach kami ngayon. Silang tatlo naka two piece. Ako one piece lang. Si joao kasi ang namili ng swimsuit ko. Ayaw niya daw na nakalitaw yung tyan ko. Eh 'di sige, backless naman ang pinili ko.

Me: "kelly! Halika dito."

Ngumiti siya saamin. Kanina niya pa sinasabi saamin na naiinggit daw talaga siya sa friendship namin lahat. Lalo na daw kaming tatlong babae. Kung paano daw kami alagaan at protektahan nung lima. Sabi niya hindi niya daw alam kung may matatawag daw ba siyang friends talaga.

Kelly: "naahhh." Hinawakan niya yung cellphone niya na nakasabit sa leeg niya. "Kukuhanan ko nalang kayo. Ang ganda ng moment niyo. See?" Sabay pakita saamin ng kuha niya.

Mga bandang hapon, sumunod na yung limang boys galing sa rest house nila joao. Lahat sila topless pwera kay joao. May suot siya na sando. Conservative?? He's glaring at me. Parang badtrip na badtrip siya. Ano nanaman kasalanan ko?

Joao: "ano yang suot mo??"

I snapped my fingers in front of his face.

Me: "are you blind? Eh 'di swimsuit?"

Joao: "i know. Sobrang sexy. Magbalot ka nga."

Napaka KJ niya kahit kailan. Siya naman namili nito ah? Napaka imposible niya talaga minsan.

Me: "ayaw. Tayo tayo lang naman dito."

Joao: "anong tayo tayo lang? Nandito din si russell! Baka ma in love na lalo sayo yan."

Napa nga-nga nalang ako. UNBELIEVABLE. Minsan talaga ang OA niya mag selos. Lalo na pag dating kay russell.

Me: "dyan ka na nga."

Umupo ako sa sand sa tabi niel. Ayaw ko kausap si joao tuwing ganyan siya ka OA. Napaka wala sa lugar. Lumapit naman siya kila ford na tinuturuan mag surf si kelly.

Si kelly. Hindi naman ako nakikipag plastikan sakanya. Totoo naman na mabait din siya. Ang kulit niya nga eh. Kalog din pala. But there's just really something at the back of my mind that's bothering me.

Me: "niel?"

May sinusulat siya sa sand tapos buburahin niya ulit tapos isusulat nanaman. Malabo kasi yung mga mata ko kaya hindi ko masyadong maintindihan. Tsaka binubura niya din kasi agad bago ko mabasa ng maayos. Pero parang nakita ko yung letters na kiss-...

DREAM ACADEMY (COMPLETED)Where stories live. Discover now