Ayoko na maging ako ang dahilan para
magkaroon ng issue sa pangalan nila, kaya
itinago ko nalang… ako nga pala si Laurence
(Hindi tunay na pangalan) 23 na ako ngayon,
tubong Nueva Ecija ako J, may kalakihan ang
aking katawan pero hindi naman sobrang taba…
parang Michael V. lang… kayumanggi ang kulay
ko, singkit, 5’6 ang height ko..
Were 6 in the Family… mama, papa, tatlong lalake
kame at may bunsong babae, panganay ako sa
aming apat na magkakapatid kaya pressure pa
sakin na naging bi ako kasi sarado ang isip ng
pamilya ko about sa third sex…
First year highSchool ako ng magsimula yung
paghanga ko sa kapwa ko lalake, mahilig ako
makipagkaibigan sa mga nakakasalamuha ko lalo
na sa mga kaklase ko, jolly kasi akong tao, ayoko
ng boring na mundo kaya lahat ng kaepalan na
nalalaman ko basta kasama ang barkada ko, eh
inilalabas ko, ang tanging mga nakaClose ko nung
h.S palang ako ay sila din ang naging barkada ko
hanggang sa ngayon 2013, so masasabi ko na
matagal narin ang barkadahan namin, “Circle of
Friends”sabi ng iba… Name: ako, Rocel, Dazzel,
Louie, Denmark, Alexies, Joseph, Jelly, Mike,
Mark, (mga hindi tunay na pangalan) Masaya na
ako kapag sila ang kasama ko, lahat sila espesyal
sakin, bukod tangi sa isa…. (malalaman niyo yon,
mamaya)
Third yr h.S, June 16, 2006 ng maging mag-on
sila Rocel at Denmark, masayang natapos ang
huling dalawang taon namin sa h.S dahil sa
kanilang dalawa, may tampuhan, away, hiwalayan,
pero bilang kabarkada nila, tinutulungan naming
si Denmark na MagkaAyos sila ni rocel, nandiyan
magset kame ng dinnerDate sa likod bahay nila
Denmark o likod bahay nila rocel, basta lahat ng
kaChipan pero sweet para sa amin eh ginagawa
naming, magkaayos lang sila, and hindi naman
kame nabibigo….
Lumipas ang panahon namen sa H.s,
2008 ng mag-enroll kame sa NEUST(main), ako,
si rocel, at dazzle ay nagEnroll sa kursong
B.S.I.T, si Denmark naman ay sa Kursong
Criminology…. Si mark naman ay sa NEUST
(sumacab) nandon kasi yung kurso niya na
Business Ad. Kaya napalayo siya sa amin, si mike
naman ay nagEnroll sa ELJMC, si Louie ay