Alas 9 ng gabi noong kinatok ko si kuya
Rom sa kwarto niya. Dala-dala ko ang
isang karton na naglalaman ng mga gamit
na ibinigay niya sa akin kagaya ng white
gold thumb ring niya, gold bracelet, ang
mga pinatuyong rosas… Napagdesisyonan
ko na kasing isoli na lang ang mga ito at
turuan ang sariling tanggapin ang lahat,
limutin siya at mag move-on. Napag-isip-
isip ko rin kasi na napakadami nang
pinagdaanan kong hirap sa relasyon
namin at hindi naman siguro patas na ako
na lang ang palaging nagdurusa.
Nakakapagod na; hindi ko na kaya. Hindi
kaya manhid o bato ang puso ko upang
hindi makaramdam o mapagod. Isiksik ko
na lang sa isip na isa na lang siyang
pangarap. Maigi na ang ganoon para at
least alam ng puso ko kung saan siya
lulugar. At kapag isang pangarap na lang
ang lahat, nagagawa ko ang kahit ano sa
isip ko; na hindi ako nasasaktan, hindi
nangangamba, hindi namomroblema.
Sabi nga nila, libre daw ang mangarap.
Oo naman. Libre ang mangarap ngunit
may bayad na ito kapag umasa... Kaya,
dapat lang na hindi na ako aasa. Baka
mamaya, ibayong sakit lang ang
kabayaran nito. Kaya ang final na
desisyon ko ay ang pakawalan na siya at
turuan ang sariling tumayo, harapin ang
mga hamon sa buhay na nag-iisa, na
walang kuya Rom na dati ay siyang
nagsilbing inspirasyon ko… Binuksan
naman kaagad ni kuya ang kwarto niya,
hawak hawak pa ang cp, may kausap sa
linya, “Ok.. Elsie, saka na lang tayo mag-
usap, hon. Nandito ang utol ko, may
kailangang yata. Bye muna! Mwah!”
Inbinaba ang cp niya atsaka nakangising
tiningnan ako at sinabihang, “Girlfriend
ko… hehe. O, anong atin?” “Heto kuya,
isosoli ko na ang mga ibinigay mo sa
akin...” “Ah… iyan lang ba? Sige tol, sa iyo
na lang iyan. Ok lang ako…” ang sagot
niyang hindi man lang nagdadalawang-
isip na para bang ang mga bagay na iyon
ay walang bakas ng aming kahapon,
walang kahulugan. “Hindi kuya, sa iyo
naman talaga ito eh. At… wala na ring
halaga ito sa akin.” Ang sagot kong hindi