Iyon ang huli kong natandaan. Kung
gaano kabilis ang aking pagkaidlip sa loob
ng kapilya, ay siya ding bilis na aking
pagkagising sa lakas ng hiyaw na
umalingawngaw sa buong kapilya na
galing sa bibig ko. Nakatulog pala ako sa
loob ng kapilya matapos magdasal gawa
ng sobrang stress at pagod, at dahil
hatinggabi ang oras na aking pagpupunta
at pananalangin sa kapilya. May nagsabi
kasi sa akin na kapag humiling ka ng
isang bagay, hatinggabi kang manalangin,
at gawin mo ito kada-hatinggabi. Parang
totoo ang lahat! Nakatatak pa sa isipan ko
ang mga pangyayari. Nagsisigaw at
naglupasay daw ako noong idiniklara ng
duktor na patay na si kuya Rom. Habol-
habol ang paghinga, napatingin ako sa
poon at tumulo uli ang luha ko. At
bagamat nagpasalamat na panaginip lang
pala ang lahat, nanalangin pa rin ako na
huwag naman sanang ganoon ang
mangyari kay kuya Rom. “Maawa po kayo
sa akin. Maawa po kayo kay kuya Rom…”
bulong ko. At nagtatakbo na akong
lumabas ng kapilya, tinumbok diretso ang
ward kung saan nandoon si kuya Rom.
Habang binabaybay ko ang hallway, hindi
ako magkamayaw sa sobrang kaba na
baka magkatotoo ang eksena sa panaginip
ko. At lalong lumakas ang kabog ng
dibdib ko noong nakita kong ang
nagtatakbuhan ang dalawang nurse at
isang duktor sa hallway patungo din sa
direksyon ng ward ni kuya Rom, halos
kapareha sa nangyari sa panaginip ko.
Binilisan ko pa ang pagtakbo. Halos
magkasabay kami ng duktor at mga nurse
na nakarating sa direksyon. Noong nasa
pintuan na ako ng ward ni kuya Rom,
natanggalan naman ng tinik ang dibdib ko
noong sa katabing ward pala ang pakay
nila. Narinig ko kaagad ang pagsisigaw at
paglulupasay ng isang babae sa loob ng
ward noong binuksan na ng duktor ang
pinto. “Gabriel! Gabriel! Huwag mo
kaming iwanan! Gabrielllllllllllllll!!” Hindi
ko maiwasang hindi maapektuhan sa
naramdamang sakit ng babaeng nag-iiyak.
Bagamat naibsan ang sariling pangamba
para kay kuya Rom, matindi pa rin ang