Buong magdamag na hindi ako nakatulog.
Umiiyak at isiniksik sa utak na hindi
talaga kami para sa isa’t-isa; na marahil
ay tama lang na ganoon ang nangyari
habang maaga pa; at na dapat ay
matanggap ko ito ng maluwag sa
kalooban. Tinanggal ko sa aking mga
kamay ang singsing na ibinigay niya at
itinago iyon sa ilalim ng drawer ko,
ipinangako sa sarili na hinding-hindi ko
na isusuot iyon. Kinabukasan, kahit
namamaga pa ang mga mata dahil sa
kaiiyak, pumasok pa rin ako sa school.
Pinilit ko ang sariling ipakitang normal pa
rin ang lahat sa kabila nang pagsisigaw ng
damdamin ko kung bakit xsa akin pa
nangyari ang ganoon. Alam ko,
napapansin pa rin ng marami ang
kakaibang lungkot sa mukha ko. Ngunit
hindi ko ito alintana. Kapag may
nagtatanong kung bakit ako malungkot,
sinasabi na lang na ok ako, na wala akong
problema. Sa araw ding iyon, napag-
alaman kong hindi pa rin pumasok si
Kuya Rom at walang nakakaalam kung
ano ang nangyari sa kanya, at kung saan
siya nagpunta. “Totoo nga siguro ang
sinasabi nila na nagsama na sila ng
kanyang kasintahan. At marahil ay totong
nabuntis na niya ang babae…” ang
pumasok na scenario sa isip ko. At iyon
talaga ang naiukit sa isip ko, walang nang
iba. Sa sobrang sakit na dinadala, napag-
isipan kong bumalik sa lupain namin sa
bukid, kina Mang Nardo. Pakiramdam ko
kasi, napakagandang magmumuni-muni
doon dahil sa napakapreskong ambiance,
walang ingay, simple ang pamumuhay. At
dahil sa ang kinabukasan ay Sabado,
nagpaalam ako sa mga magulang ko.
Pinayagan naman nila ako kahit ang
driver lang ang kasama ko. Ipinaliwanag
ko na lang na may importanteng
ginagawa si Kuya Rom sa lugar nila at
hindi nga rin nakapasok ito dahil dito.
Kaya kinabukasan, alas 5 pa lang ay
umalis na kami ng driver pabalik sa
lupain naming sa bukid. Dumating kami
sa luga na mag aalas onse na ng tanghali.
Tamang-tama sa pananghalian. As usual,
marami pa ring nakiki-usyuso na mga