17

472 2 0
                                    

“Ba’t ka basta-bast na lang pumasok nang

hindi man lang kumakatok?!” Bulyaw ko

kaagad sa kanya, inunahan ko na baka

sakaling madala ko sa takot. Ngunit

kalmante lang si Shane. Marahil ay

kinimkim lang ang galit niya o sadyang

ganyan lang talaga ang mga puti, hindi

gaanong seloso. “A… magkuya nga talaga

kayo no?” Sagot niya, walang bakat nag

alit sa mukha niya. Noong nasa gilid na

siya ng kama ni Kuya Rom, pahapyaw

niya akong itinulak at hinarangan na

akong makalapit pa kay Kuya Rom. Naupo

na lang ako sa gilid, ang mukha ay di

maipinta sa sobrang pagka-inis habang

pinagmasdan ang sunod niyang gagawin.

“Musta na ang honey ko…?” sabay sampa

sa kama at yakap kay Kuya Rom at

“Muuuaaaaahhhhhh!” ang paghalik niya

sa lips. Pagkatapus, niyayakap-yakap niya

ito at hinahaplos-haplos ang mukha ni

Kuya Rom, ipinamukha sa akin ang pagka-

sweet nila. “Musta na ang pakiramdam

mo sweetheart? Masakit pa ba ang hiwa

ng sugat…?” “Ewwwwwww! Kadiri!”

sigaw ko sa sarili. “Huwag mong daganan

si Kuya Rom! Pinapatay mo iyong tao eh!”

sigaw ko naman kay Shane, sabay irap.

Lumingon sa akin si Shane. “Ah… may tao

pala dito. Sorry, hindi ko napansin. Ano

nga ba pala ang problema mo? Naiinggit

ka?” ang pang-iinis niyang sabi sabay

tawa. “Ako naiinggit? Hindi kaya... At

hoy! Para malaman mo, hindi kayo bagay

no? Ang tanda mo na kaya… Yukkkkk!”

“Waaahhhhh! May pa-yukkkk yukkk ka

pa. At sino? Sinong bagay sa kanya? Isang

mas bata ba ang bagay para kay Kuya

Rom mo? Sino?” tanong niya, parinig sa

sinabi ko sa kanya sa canteen na

magkasintahan kami ni Kuya Romwel.

Mistulang nakalunok naman ako ng isang

garapun na polvoron at bumara ang lahat

ng ito sa lalamunan ko. Hindi agad ako

nakapagsalita. Natulala. “E… babae ang

bagay sa kanya no!” ang naisagot ko.

“Babae talaga? Hindi lalaki na kasimbata

mo? Kasing-edad mo?” “Amffff!” Sa isip

ZaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon