16

445 1 0
                                    

Mistulang gumuho ang mundo ko sa

narinig. Ang buong larawan na naglalaro

sa isip ko ay kalagayan ko kung wala na

siya, ang mga pagbabago, ang mga

nakasanayan ko sa kanya siguradong

hahanap-hanapin ko, ang mga kulitan

namin, mga harutan, ang pag-aalaga niya

sa akin, ang mga magagandang

experience na naranasan ko sa kanya…

Parang tinadtad ang puso ko sa sobrang

sakit. “P-aano na lang ang pag-aaral

mo…?” ang nasambit ko na lang. “Ano pa

ba ang silbi ng pag-aaral ko kung ang

kapiranggot na pera na gagastusin ko sa

mga pangangailangan dito ay mas

kakailanganin para sa mga gamot ng

nanay?” Natahimik ako sa sagot niya.

“Pero bakit kailangang iwan mo ang

nanay mo?” tanong ko uli. Gusto ko

sanang idagdag pa ang tanong, “Ako…

paano na lang kung wala ka? Hahayaan

mo na lang ba akong mag-isa?” Ngunit

wala akong lakas ng loob na itanong ito sa

kanya. Tiniis ko na lang na itago ito sa

aking isipan. “Wala akong choice… Kung

nandito naman ako ngunit walang

maitutulong sa kalagayan namin, wala

din. Mas mabuti nang nandoon ako, at

least, makakatulong ako sa kahirapan

namin.” Tahimik. Nagpatuloy siya. “Hindi

ko alam kung may nagmamahal ba talaga

sa akin e. Sa panahon ng pangangailangan

ko, wala akong masasandalan, wala akong

malalapitan, walang kadamay. Pati ang

girlfriend ko, hindi ako maintindihan.

Kesyo daw kailangan ko pa ring bigyan

siya ng atensyon, tinitext, tinatawagan,

tangina niya. Mas iniisip pa niya ang

kalandian niya kesa kalagayan ng

boyfriend niya.” Lumingon siya sa akin.

“Ikaw na lang sana ang pag-asa ko.

Ngunit wala ka rin. Hindi kita

mahagilap…” Napayuko ako sa sinabi

niya. Inalipin ng hiya ang kalamnan ko at

hindi magawang tingnan siya. At

namalayan ko na lang ang sariling

humagulgol nang humagulgol sa

naghalong sama ng loob, awa sa sarili, at

matinding pagsisisi, hinayaang dumaloy

ang lahat nang sama ng loob na kanina pa

ay nag-uumapaw na sumabog. Hindi na

ZaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon