Surf Board (REPOST: DATE:august 11 2013)
Mainit ang mga araw. Katatapos ko lang ng college
at wala pa akong napapasukang trabaho. Halos
gabi-gabi ay lasing kami ng mga katropa ko sa
kalye namin. Hindi kami magkakapareho ng edad,
at sa pagkakaalam ko ako noon ang
pinakamatanda, dahil sa yung mga kaedad ko noon
ay meron nang mga trabaho. Dahil sa paglalayas
ko pagkatapos ng high school, na-delay ng ilang
taon ang pagka-college ko.
Buong summer na yun, wala akong ginawa kundi
magbulakbol sa araw at makipag-inuman sa gabi.
Hindi rin naman kumokontra ang mga magulang ko
dahil sa alam naman nila kung gaano ako ka-
responsable. Ang aking ginagastos naman ay ang
naipon ko sa ilang taong pagta-trabaho sa Maynila
nung naglayas ako, at pati na rin sa pagtatrabaho
ko bilang radio DJ habang nagka-college ako.
Marami akong balak ngayong tapos na ako sa pag-
aaral, pero nung mga araw na yun ay gusto ko
munang ipagdiwang ang aking pagtatapos ng
kolehiyo.
Isang araw, hindi ako nakasama sa tropa sa isang
resort kung saan balak nilang mag-overnight stay.
Gusto kasi akong makita ng pinsan ko na galing sa
US bago sila bumalik ng pamilya nya sa Amerika.
Naging yaya ko kasi ang pinsan kong ito nung
maliit pa ako sa Amerika, habang pinag-aaral sya
ng parents ko bilang nurse sa isang unibersidad
noon sa New York state. Nakapag-asawa na sya ng
isang Canadian na doctor, na nag-train noon sa
ospital na pinapasukan ng pinsan ko.
As usual, yung mahabang kumustahan. Hindi sila
makapaniwala na na-retain ko yung accent ng New
York kahit bata pa ako nung umuwi kami dito sa
Pilipinas at dito na nanirahan. Ang ending, marami
kaming dalang kung ano-anong pasalubong pag-
uwi namin, at ang pinaka-major para sa akin ay
ang long board na surf board na bigay ng asawa
ng pinsan ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko
nung binigay sa akin yun; una na dyan ay dahil
hindi naman ako marunong mag-surfing, at isa pa
ay dahil ang long board ay kinokonsidera na para
sa mga enthusiasts lang dahil hindi na ito uso.
Gabi. Naiimagine ko na nagkakasayahan na sa
resort ang mga tropa ko, habang ako heto nakatitig