Tiningnan ko uli ang numero ng gate
kung saan si Kuya Rom pumasok, siniguro
kung ito nga ang gate na binanggit. At
iyon nga. Nag-aalangan akong lumapit at
tinanong ang guard. “May narinig po
akong Jason Iglesias na tinawag, ako po
iyon…” ang sabi ko. “Ah! Ikaw pala. May
ipinabigay sa iyo, galing daw sa Kuya mo.
Ito o…” sabay abot sa akin sa mga
bulaklak, na may dalawang dosenang
mapupulang rosas, isang box ng
chocolate, at ang isa ay maliit na box na
hindi ko alam kung ano ang laman. Hindi
ko naman mapigilan ang mga luhang
pumatak uli sa mga mata ko habang
tinanggap ko ang mga ito. “Salamat po…”
ang pagpapasalamat ko sa guard, ang
maliit na box ay isiniksik ko sa bulsa.
Dala-dala ang mga ibinigay ni Kuya
Romwel sa akin, para akong isang baliw
na karga-karga ang mga rosas sa aking
mga bisig at ang isang box ng chocolate
sa aking kamay. Humanap ako ng
mauupuan at tinitingnan-tingnan ang
monitor kung boarding na ba ang flight ni
Kuya Rom. Tinitext-text ko din siya at
sinabi kong natanggap ko na ang
ipinabigay niya sa guard, at nagpasalamat
ako. “Uwi ka na tol… OK? Tinawagan ko si
Paul Jake para may makausap ka.
Pupunta daw siya sa bahay natin, kasama
ang iba pa nating mga kaibigan sa team.
Huwag ka nang maghintay pa d’yan sa
labas. Ok lang ako dito. Mag enjoy kayo
sa bahay, ok?” Ang payo niya sa akin sa
text. “Gusto ko sana antayin ang paglipad
mo kuya... Gusto kong habang nandyan
ka pa sa loob ng airport, nandito pa rin
ako.” “Huwag na... nasasaktan ako. Uwi
ka na, OK? Sige na plis...” Kaya wala na
akong magawa kundi ang sundin ang
gusto niya. “Opo Kuya… Uwi na ako. Mag-
ingat ka lagi kuya, at tawag ka sa akin
palagi ah… miss na miss na kita” ang text
ko, halos hindi ko na makita ang mga
letra sa keypad dahil sa patuloy na
pagdaloy ng mga luha ko. “OK bunso.
Tandaan mo lang palagi na mahal na
mahal ka ni Kuya.” “I love you, Kuya!” “I
Love you too!” At noong maalala ko ang
dalawang babaeng tumawag sa kanya,