Hindi ako sunagot sa pag-imbita niyang
umupo ako sa tabi niya. Bagkus,
nanatiling nakatayo lang ako sa harap,
nakatapis pa rin ng tuwalya,
nakapamaywang at ang mukha ay hindi
ma-drowing sa pagkainis. “Oo nga pala,
nagsabi sina Tito at Tita na mag-aatend
daw sila ng lamay sa isang kasamahan
nilang namatay. Ako na raw ang bahala
dito sa iyo.” “At sa iyo na pala ngayon
nagpaalam ang mga magulang ko no?”
“Paano umakyat ka na at noong malaman
nilang dito ako matutulog sa iyo, sinabi
na nila sa akin at sabihin ko daw sa iyo.”
Ang pangangatuwiran niya. “O, may
reklamo? At… kasalanan ko ba kung ang
mukha na ito, na hindi lang pogi, ay mas
makapagkakatiwalaan pa kaysa sa iyo…”
sabay pose naman papogi. “Ano sa tingin
mo…” “Ang kapal mo, grabeh! Ikaw na
lang kaya ang maging anak nila at ako ang
outsider” ang sarcastic kong sabi.
“Pwede…” ang pang-aasar naman niyang
sagot. “Arggghhh!” Sigaw ko sa sarili,
nanatiling nakatayo at nagpupuyos sa
harap niya. Iyon bang feeling na galit na
galit ka, sa loob-loob mo ay gusto mo
siyang mag-sorry sa kanyang ginawa o
mag-expalin ngunit hayan, lalo pang
nang-iinis. At syempre, ayaw ko ring i-
open ang issue tungkol doon sa pag-
etsapwera niya sa akin noong dumating
ang girlfriend niya dahil may isang parte
rin sa utak ko na nagtanggi-tangihang
wala akong naramdaman o kaya’y baka
isipin naman niya na inlove talaga ako sa
kanya. “Yukkkkk!” sigaw ko na lang sa
sarili. Ngunit tila hindi rin niya napansin
ang pagsisimangot ko. Dedma. Parang
wala lang tao sa harap niya. At imbis na
magreact sa inasta ko, hinubad niya ang t-
shirt, tinanggal ang butones niya ng
pantalon at ibinaba ng kaunti ang zipper.
Iyon bang parang nainitan o nahigpitan sa
pantalon kahit sakto lang naman sa
bewang niya iyong waistline ng pantalon
dahil wala naman talagang taba ang tiyan
niya. Kitang-kita ko ang puting garter ng