Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan

997 5 0
                                    

First year college ako noon, 18 years old

lang noong mapasali ako sa volleyball

team ng college. Ang totoo, hindi ako

mahilig sa volleyball; basketball ang gusto

ko kaso, 5’4” lang ang height ko kaya

wala talagang chance na mapasali sa team

ng school. Anyway, napagkatuwaan lang

naman namin ang sumali sa volleyball

tryout. At dahil ang kailangan lang naman

daw sa team ay “tosser” at walang limit

sa height kaya nakisali kami ng tatlo ko

pang mga barkada. Kahit papaano naman

kasi, nakapaglaro din ako ng volleyball

noong high school pa ako. Kaya sabi ko,

“Ok, magpapawis lang naman at mag-

enjoy sa tryout kaya ok… go” at hindi ko

na inexpect na mapasali pa sa team lalo

na noong makitang maraming magagaling

at matatangkad pa na sumali. Halos lahat

kasi ng myembro ng team nasa third year

at fourth year at ang pinakamababang

height ay 5’10”. Ngunit noong matapus

ang tryout, laking gulat ko noong ang

pangalan ko ang isa sa dalawang tinawag.

Nanlaki ang mga mata ko at di

makapaniwala. “Ako ang nagrecommend

na isa ka sa piliin. At ikaw din ang gusto

ng karamihan sa team.” Sabi sa akin ni

Romwel, ang team captain nila na

tinaguriang “crush ng bayan” dahil sa

angkin nitong kakisigan at tindi ng

appeal. “Nakita ko kasing masipag kang

kumuha ng bola kahit sa mahihirap na

pwesto, maliksi, maganda ang ball

handling at maganda rin ang mga pasa sa

mga kasama. Malaki ang potential mo”

dagdag paliwanag niya. Napangiti na lang

ako, di pa rin makapaniwala sa biglaan

kong pagkasali sa team. Doon ko na rin

na-meet ang mga kasama noong

ipinakilala ako ni Romwell sa kanila.

“Waahhhh! Ako ang pinakamaliit, at

pinakabata!” Sigaw ko sa sarili. Simula

noon, palagi na akong kasama sa practice

at sa mga laro at liga. At ang naging

pinaka-close ko sa lahat ay syempre, si

Romwel, ang team captain namin. Si

Romwel ay 22 years old at fourth year na

ZaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon