tubero

1.4K 4 0
                                    

Sa tuwing magigising ako sa umaga ay agad

banyo ang tungo ko upang maligo at magbawas

na rin kung nararamdaman ko na rin ang tawag

ng kalikasan. Subalit isang umaga ay nagulat ako

ng i-flush ko ang toilet bowl matapos akong

jumingle. Hindi na kasi tumigil sa pagbuhos ang

tubig. Binuksan ko ang cover ng lalagyan ng tubig

subalit hindi ko malaman kung bakit patuloy pa

rin ang pagbuhos ng tubig kahit lumapat na ang

bilog na rubber sa loob nito. Kaya minabuti ko na

lamang pihitin pasara ang maliit na tubong

pinanggagalingan ng tubig.

Agad din akong tumapat sa may shower at inalis

ang suot kong boxer shorts at biglang kong

binuksan ang shower. Dahil sa inis ko sa

nangyari sa toilet bowl ay napalakas ang pagpihit

ko sa bukasan ng shower. Tumilamsik ito at

sumirit doon ang tubig sa halip na sa shower

head. Hindi ko na ito napatigil pa. Kaya naman

isinara ko na lamang ang pinaka-gate valve ng

tubig sa harap ng aking apartment. Nakatapis

lamang ako noon ng tuwalya habang isinasara ko

ang pihitan. Hindi ko napansin na yung nasa

ikalawang pinto ng apartment ay inilabas na ang

kotse nya. Habang isinasara muli ang gate nila ay

nakatingin sa akin. Noon ko napansin na

nakabuyangyang pala ang aking manoy Mukhang

natuwa siya sa kanyang nakita dahil nakangiti siya

sa akin ng mapansin ko siya. Hindi ko na lang

siya pinansin. Sa halip ay pumasok na muli ako

sa loob ng bahay. Eh ano ngayon kung nakita

niya ang sa akin. Meron din naman siyang tulad

ng sa akin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong

naghanap ng numero ng telepono ng isang

tubero. Hinanap ko ang isang numero na sa tingin

ko ay agad makakapunta sa aking apartment.

Nakailang tawag din ako bago ako sinuwerte na

makakuha ng tubero. Nasa labasan lang pala ng

subdivision na kinatitirikan ng apartment ko. Ilang

minuto ang lumipas ay may narining akong

kumakatok sa may gate. Isang mamang naka-

motorsiklo na suot pa ang helmet ang aking

nakita sa labas. Lumabas ako ng bahay at

pinakbuksan ko siya ng gate.

“Ako po yung tubero na gagawa sa nasira sa

palikuran ninyo.” ang pakilala ng mama sabay alis

ZaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon