Simula noong bata pa ako palagi na akong
nagtataka sa mga bagay bagay. Halos lahat ng
oras ko ay nauubos sa pagtataka at pagiisip ng
mga kasagutan sa mga tanong na nasa isipan ko.
Bakit kaya ako yong batang hindi nakukuha sa
mga team sports. Bakit kaya hindi ako na iimbita
sa mga parties ng mga kaklase ko.
Hanggang ngayong ako'y 16 years old na ay
nagtataka pa rin ako. Kakapasa ko pa lang sa
aking driving test para sa aking student permit,
kung suswertehin ay mabibigyan pa ako ng sarili
kong kotse ng aking Ama, ngunit walang
kaibigan. Wala. Wala ni isang kaibigan. Walang
mapagsabihan sa aking mga gusto at mga
pangarap sa buhay. Walang katawanan at lalong
lalo nang walang mapagsabihan ng sama ng loob.
Balde balding luha na siguro ang pumatak sa
aking mga mata simula nang mamatay ang aking
ina noong ako'y 12 years old pa lang. Siya lang
ang nag iisa kong kaibigan at kakampi (parang
balitang K kulang na lang kabalitaan). Ngunit
maaga siyang binawi ni Lord.
Hindi naman ako malungkot o galit. Nawala siya
sa mundong ito kung saan ko siya kailangang
kailangan. Kung saan kailangan kong may
makausap, upang masabi ko…..well, never mind
na kung anong sasabihin ko. At para akong
binitiwan sa ere. Si Itay, mabuting ama, masipag
sa trabaho, ngunit hindi magaling sa pagpapakita
ng emosyon. Love? Marami ako niyan "I love you
Marky, you'll always be my baby" Magaling
magmahal pero hindi masyado pagdating sa
pagpapakita ng emosyon. Kailangan ko rin ng
paminsan minsang yakap o paminsan minsang
halik buhat sa kanya. Who cares kung masyadong
pang teleserye o melodramatic. Hindi na ako
nahahalikan liban na lang sa mga matatanda kong
mga tita, simula nang ako'y 12 years old.
Ako nga pala si Marky, o Mark na lang.
Masyadong pa baby effect ang Marky, pero
nakasanayan na itong itawag sa akin. Mark
Salcedo, sixteen years old, nag sixteen years old
exactly 3 months ago, namimiss na ang Inay, na
mimiss na napakasakit minsan isipin. Marky
Salcedo na in love sa isang tao na hindi alam ang
gagawin, na in love kay Gerry Ledesma.
Ano ba talaga ang pagmamahal? Ang lahat kong
napapala ay pasakit. Ang makita siya araw araw