22

482 0 0
                                    

Nagulat sila mama at papa sa pagsigaw

ko, at pati na rin si Kris, kitang kita ko

ang pagkagulat niya. “Shut up Jason!”

sigaw ni papa sa akin. “Konting respeto

naman sa bisita natin!” “Hindi naman

iyan ang sinabi ni Kuya Romwel sa akin

eh!” ang pangangatuwiran ko. “Nagtitext

po sa akinsi Kuya at wala siyang sinabing

ganoon!” Ngunit hindi pinakinggan ni

papa ang pangangatuwiran kong iyon.

“Go to your room Jason! Now!” utos niya.

Sa inis, padabog akong umakyat sa kwarto

ko at noong nasa loob na, agad kong

tinawagan si Kuya Romwel. “Kuya,

nandito si Kris, magpapakasal ka daw sa

kanya?” and diretsahang tanong ko,

mataas ang boses gawa ng aking pagka-

inis. “Hindi Tol… wala akong sinabing

ganyan sa kanya. Maki-sakay ka nalang sa

drama ni Kris, OK? Huwag kang mag-

alala, di ako magpakasal sa kanya.”

“Promise Kuya ah…!” ang paniniguro ko.

“Promise iyan Tol. Walang kasalang

magaganap.” Tila lumambot naman ang

aking puso sa narinig. At naging panatag

ang loob ko sa pahayag niyang iyon. Kaya

hinayaan ko na lang silang mag-usap

kahit na ano pa ang pag-uusapan nila.

Tutal, kahit ilang beses pa silang

magplano at kahit gaano pa kaganda ang

plano nila kung ang tao mismo na

ikakasal daw ay ayaw naman pala, wala

ding mangyari. “Sige… magplano kayo ng

magplano dyan!” ang sabi ko na lang sa

sarili. Pagkatapos nilang mag-usap at

nakaalis na si Kris, pumasok si mama sa

kuwarto ko. Tinanong ko siya kung ano

ang pinag-usapan nila. “Hayun, sabi daw

ni Romwel sa kanya na pakasalan siya.

Pero hindi kami kumbinsido ng papa mo

dahil wala namang desisyon si Romwel

tungkol doon.” Nagulat naman ako sa

sinabi ni mama. “Paano nyo nalaman

ma?” “E… lagi namang nag-uusap si

Romwel at papa mo.” “G-ganoon ba ma?

E… anong sabi ninyo doon sa babaeng

iyon?” “Wala. Sinabi lang namin na kung

magpakasal nga sila ni Romwel, wala

kamnig tutol. Basta... silang dalawa ni

Romwel ang magdesisyon at magplano.

Iyon lang.” “Ay… bakit ninyo naman

ZaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon