So… balik normal na naman ang lahat. I
mean, iyong ganoong set-up na parang
kami ngunit hindi. Ewan, basta parang
ganoon. Hindi ko nga alam kung MU bang
matawag iyon e. Kasi, mag-kuya ang
nakalagay sa “official” registration ng mga
utak namin e, hehe. Hmmm, baka hindi
rin naman pero wala lang gusotng
umamin. Oo, may singsing ako sa kanya,
sa thumb nga lang at walang marriage
proposal – charing! Oo, may nangyari sa
amin, ngunit wala namang sinabi iyong
tao na pananagutan niya ang puri ko,
nyahaha. Hindi nga, dedma iyong tao
kung mahal ba niya ako o hindi. At
syempre, ayaw ko rin namang magsabi sa
kanya na mahal ko siya no. Ano ka...
Basta! Ayaw ko. Ano ako, cheap na NFA?
(Hehe) Ngunit kahit pa man sobrang
nakakaloka ang set-up namin, kina-career
ko na talaga ang pagka-close namin.
Tinatanong siya kung kumain na ba, na
dapat huwag masyadong magpapagod...
halos susubuan ko na nga kapag kumain
kami eh. At, palagi niya akong hinahatid
sa bahay galing school at minsan, doon na
matutulog sa bahay, doon kumakain at,
take note, kapag may chance siya,
nagluluto iyan. Mahilig kasing magluto
ang kumag at ang sarap pa niyang
romomansa, este, magluto, pramis. Dahil
nga yata d’yan kaya siya naging close at
kadikit ng mga parents ko eh. Sa totoo
lang, feeling ko, kasal na lang talaga ang
kulang sa amin. Ang buong akala ko,
tuloy-tuloy na ang lahat. Ngunit marahil
ay sadyang mapaglaro ang pag-ibig. Isang
araw, nag-absent si Kuya Rom sa klase.
Walang text, walang explanation kung
bakit. Noong pumasok kinabukasan,
napansin kong tila malalim ang iniisip
nito at kahit ngumingiti at
nakikipagbiruan, parang may iba talaga
siyang kinikimkim na hindi ko mawari.
Noong magpraktis kami, parang wala din
ito sa sarili. Kinausap ko siya tungkol dito
at kung bakit siya nag-aabsent. Ngunit
ayaw niyang magsalita, walang sinabing
dahilan. Ang sabi lang niya ay huwag ko
da siyang alalahanin at ok lang siya. Kaya
naninibago man, wala din akong magawa