Matapos mahuli ng mga pulis ang
natirang mga tauhan ni Kris na
sumurrender, agad na dinala nila ang
mga ito sa presinto habang si Kris ay
dinala sa ospital sinamahan ng ilang mga
escort na pulis. Dinala din namin sina
Noel at kuya Rom sa ospital. Si Noel ay
conscious bagamat mad’yo malakas ang
pag-agos ng dugo galing sa tama niya sa
braso. Ngunit doon ako natatakot sa
kalagayan ni kuya Rom. Mistula itong
patay na hindi siya gumagalaw. Inalam ni
kuya Paul Jake kung pumipintig ba ang
puso niya at nag thumbs up naman ito.
Hindi naman ako mapigil sa kasisigaw,
“Kuya Rommmmmm!!!” Sa pinakamalapit
na ospital sila dinala. Kaagad silang
ipinasok sa emergency room. Habang
inasikaso sila ng mga duktor, hindi ako
mapakali. Pakiramdam ko, sobrang bagal
ang pagtakbo ng oras sa sandaling iyon.
Doon na rin kami nakapagkuwantuhan ni
Kuya Paul Jake sa mga pangyayari. Kaya
pala niya natunton ang lugar na
pinagdalhan sa amin ng mga tauhan ni
Kris at nakatawag pa siya sa mga pulis ay
dahil sa binanggit ni Kuya Rom na mga
codes galing sa cp kong sikretong
nakabukas. “‘Partner’, kasi ang pakilala ni
Romwel sa akin kay Kris noong may
dalawang beses kaming nagpang-abot sa
restaurant na malapit sa bodegang
pinagdalahan nila sa inyo. Paborito ko ang
restaurant na iyon at naimbitahan ko siya
doon upang i-try ang kanilang mga
pagkain at makita ang sariwang ambiance
nito dahil nakatayo ito mismo sa gitna ng
lawa. Paborito din palang hang-out ito ni
Kris at mga ka-tropa niya. Nagtatawanan
pa nga kami noon dahil pagkabanggit ni
Romwel na magpartner nga kami,
dinugtugan ko naman ito ng ‘partner sa
katarantaduhan’. At ang restaurant na
iyon ay madadaanan kapag nanggaling ka
sa Marcos intersection na siyang unang
binanggit mo. At ang bodegang dinalhan
sa inyo ay pagmamay-ari ng Tiyo ni Kris
na isang politiko. Nakita na rin namin ni