11

487 1 0
                                    

Noong matanggal ko na sa daliri ko ang

singsing, pumwesto ako sa parteng may

pampang sa isang gilid ng ilog kung saan

malapit sa malalim na parte ng ilog.

Inindayog ko na ang kanan kong kamay

upang itapon ang singsing doon noong

biglang sa likuran ko ay may sumigaw,

“Huwaaaggggg!!!” Si Kuya Romwel, naka

pambasketball shorts at sando, at

nakasapatos pa. Ngunit nabitiwan ng

kamay ko ang singsing at agag-agad itong

bumagsak sa tubig. Simbilis naman ng

kidlat si Kuya Rom na du-mive sa

pampang at tinumbok ang parte kung

saan nalaglag ang singsing. Nakailang sisid

na si Kuya Rom at ramdam kong hapong-

hapo na siya sa kasisisid noong

pakiramdam ko ay may gumapang na

pangongonsiyensya sa utak ko. Ewan,

hindi ko rin maintindihan kung bakit

sobra niyang pinahalagahan ang singsing

na iyon na sa tingin ko ay kahit malaki, ay

isang stainless lang naman. Tila may

pagsisi namang namayani sa utak ko at

nag-uumapaw ang kagustuhang tulungan

na lang siya sa pagsisid. Ngunit dahil

hindi ako marunong lumangoy, hindi ko

nagawa ito. Gusto kong sumigaw na

“Kuya, huwag mo nang hanapin, baka

mapaano ka!” ngunit hindi ko masabi ito

gawa nang alam ko, galit siya sa ginawa

ko. Halos may kalahating oras siguro

iyong pagsisid niya at maya-maya, kibit-

balikat na bumalik sa parteng may

dalampasigan, at pansin kong hinang-hina

siya. At noong makarating na siya sa

parteng buhanginan, ibinagsak ang

katawan, nakatihaya ang mga kamay ay

latang-latang nakalatag sa kanyang gilid at

habol-habol ang paghinga. Tumakbo

kaagad ako tungo sa kinaroroonan niya,

naupo sa gilid ng nakalatag niyang

katawan, hinawakan ng dalawa kong

kamay ang mukha niya. Kitang-kita ko

ang pamumutla ng kanyang balat at mga

labi, at hirap siya sa paghinga. “OK ka

lang kuya?” Hindi siya sumagot.

Naghahabol pa rin sa paghinga, dinig na

dinig ko ang bawat paglabas at pagpasok

ng hangin sa bibig niya. “S-sorry kuya…”

ang nasambit ko, ang boses ay awang-awa

ZaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon