Ang kwentong ito ay naiiba. Hindi man ako
eksperto sa pagsusulat, sana'y bigyan niyo rin ng
oras na mabasa ito. Salamat.
Ang kwento kong ito ay nangyari ilang araw lang
matapos ang mga paglindol sa central visayas, sa
kasagsagan ng napakarami pang aftershocks na
halos maituturing mo na rin na independent na
lindol sa lakas nito. Nang dahil sa mga punyetang
lidol na yan, na delay tuloy ang pag-uwi ko sa
amin sa mindanao. Pero bawi na rin naman kasi
sembreak naman kaya puro lakwatsa nalang ang
inaatupag. Na try ko nga one time nasa bar ako
nang biglang nag aftershock. Akala ko lasing lang
ako, 'yun pala, nafeel namin lahat 'yon. Gusto ko
nga palang ipaabot ang aking pakikiramay sa mga
naging biktima ng nasabing lindol, lalo na sa mga
nawalan ng tahanan, at ng mga mahal sa buhay.
Ako nga pala si Red, 22 taong gulang. Ayoko
sanang i describe ang sarili ko kasi sa totoo lang,
nahihirapan akong gawin 'yon. Isipin niyo nalang
na isa akong tipikal na teenager, hindi mataba,
hindi payat, hindi rin maskulado, tama lang. 5'6''
lang ang height ko kaya sobrang tipikal na pinoy
talaga. Hindi naman ako gwapo masyado, pero
may maipagmamalaki din naman. Sabi ng mga
kaibigan ko, naiinggit raw sila sa pagka babyface
ko. Hindi sa pagmamayabang pero marami na rin
naman akong naging girlfriends nung hindi ko pa
inamin sa sarili kong bakla ako. Naka ilang
boyfriends na din naman ako, pero sa lahat ng
iyon, wala pa akong maituturing na seryoso. Sa
edad kong ito, ayoko pang mag seryoso. Gusto
ko laro muna.
So, balik sa aking kwento. Nasa bar ako lunes ng
gabi. Wala masyadong tao kasi nga weekday. Ako
lang mag-isa kasi hinihintay ko pa ang mga
kasama ko.
Ganun ako, ayokong late ako kaya laging ako ang
naghihintay mag-isa. Dahil wala akong magawa
nung mga time na 'yon, naisipan kong
magpapansin na lang sa mga gwapong waiter ng
bar. Actually, may nakasex na ako sa isa sa
kanila pero ibang storya na yun. So, yun na nga,
papansin, pa smile2 ng konti pag may natipuhan,
order ng paisa-isa para laging bumabalik. Smile
din naman ang mga kuya, sports din naman, if I
know, pumapatol para sa pera. pero sorry, hindi