Mistulang nakakita ako ng multo sa
nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa
pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans
na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot
ang mga iyon. Nagising naman si Julius at
tila normal lang itong kinuskos ang mga
mata, tumagilid sa direksiyon ko. “G-
gising ka na pala kuya…” ang ang sambit
niya, nakatingin sa akin habang pilit kong
itinaas ang pantalon. “Ah… O-o. Maliligo
na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?”
ang sambit ko, halata sa boses ang
mistulang panginginig ng boses sa
magkahalong hiya at pagkalito. Agad-agad
naman itong bumalikwas din, itinakip ang
kumot sa harap niya na tila alam na
nakahubad lang siya, hinahanap sa kama
ang shorts na siyang suot-suot bago
matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib
muna ako kuya, walang pondong tubig
ang banyo.” “Ay, huwag na kung ganoon.
Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis
kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.
“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita
doon.” Noong makita na ni Julius ang
shorts na pamapatulog, agad niya itong
isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya
habang lumabas kami ng kuwarto. Ako
naman ay nagpalit din ng shorts
pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na
naka-shorts lang at walang saplot ang
pang-itaas na katawan, hindi ko
maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng
hubog ng kanyang katawan. Noong nasa
gilid na kami ng ilog, dinig ko ang mga
tilamsik ng tubig nito. Parang ang sarap
pakinggan; nakaka-relax. Subalit
nangingibabaw pa rin ang lungkot na
gumagapang sa aking pagkatao. Naalala
ko kasi si Kuya Rom; may sakit na dulot
ang ilog na iyon sa aking alaala dahil sa
ilog na iyon ko itinapon ang singsing na
ipinagkatiwala niya sa akin, ang pilit na
pagsalba niya nito na halos
magpakamatay na sa pagsisisid maibalik
lang ang singsing. At bago pa dito, naalala
ko rin ang pinakaunang nangyari sa akin
kasama siya na hinding-hindi ko
malilimutan; noong muntik akong
malunod at sinagip niya ako. Doon
nagsimula ang paghanga ko sa kanya.