36| Realization

12 4 0
                                    

Ian's POV

I've realize, I'm so dumb not to notice na nag sisinungaling si Pritz. Ang talino ko, ay Mali ang bobo ko! Urgh! Nakakainissss! ㅑ'ㅡ 내 ㄴ셔ㅔㅑㅇ! (I'm so stupid!)

Sinubukan kong tawagan si Shiela pero hindi niya sinasagot ang Phone niya. Dapat talaga hindi ako bumigay. Nakakainis. Tumawag ako kay Jaiden. "Hello? Pre?" Tanong ko. |"Oh?"| tanong niya sa kabilang linya. "Pre anjan ba si Shiela?" Tanong ko. |"Wala na pre, kaaalis lang kanina. Alas-quatro ng madaling araw."| ah! Nakakabwisit! "Sige. Thank you pre." I said.

Pumasok ako sa kwarto at nagpagulong gulong sa kama. "ANG TANGA TANGA MO IAN!" Sabay sabunot sa sariling buhok.

"Sir, may bisita po kayo." Sabi ni Yaya na para bang kinikilig. "Huh? Sino po?" Tanong ko. "Si Ms. Hillan. Po." Sabay ngiti ng malapad. "Sabihin mo po hintayin ako." Sabi ko at umayos ng upo.

Pumasok ako sa C.R. at nag ayos. Posible bang hindi siya tumuloy sa Flight niya? Hindi naman ano!

Bumaba ako para tingnan yung bisita ko at tama ako si Shiela nga. "Shiela? Bat nandito ka?" Tanong ko. Napalunok siya. "Ahm... uh.... ahm.... i....ibibigay ko lang to sayo... oo tama!" I won't buy it pero sige lang. "Oh." Sabay abot niya sakin ng susi.

"Sige aalis na ako..." sabi niya sabay talikod. Maglalakad na sana siya nung hinawakan ko ang braso niya at niyakap siya.

Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya. "Hindi ka pupunta dito para lang sa susi ko, alam ko may gusto kang sabihin." Sabi ko. "Ian.... sorry." Sabi niya.

"Wag ka mag sorry. Ako ang may kasalanan. Sorry kung gumive up ako. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Alam kong alam mo na mahal na mahal parin kita." Sabi ko at hinug ulit siya.

Bigla siyang naiyak. "Oy! Oy! Tahan na Shiela. Tahan na." Sabi ko sabay hagod sa likod niya. "Ian... Di ko na kaya. Ayoko na. Tama na. Wag mo na ipamukha sakin na mahal mo parin ako kasi ako lang rin ang masasaktan. Tumigil ka na." Sabi niya. Bakit niya ako pinapatigil eh sa kung totoo naman na mahal ko parin siya. Di nalang ako nagsalita.

"Alam mong ayaw kitang nakikitang nasasaktan eh. Kung gusto mo itigil ko to susubukan ko. Pero iniisip ko palang hindi ko na kaya kasi mahal parin kita." Sabi ko. Nakakabakla naman to!

Friendship To RelationshipWhere stories live. Discover now