[Kabanata 4]
"Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it (yeah)
There's an angel standing next to me
Reaching for my heart"-Westlife (I Lay my Love on you)
"Seriously? Ngets! Okay ka lang ba? Bakit nag-aadik ka sa History?" narinig kong reklamo ni Jen na halos magkadugtong na ang kilay niya ngayon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakatutok talaga ako sa mga history books na binabasa ko ngayon dito sa library sa University namin. Kahit bakasyon ngayon pwede pa rin makapasok dito basta related lang sa pagreresearch at pagkuha ng mga references ang gagawin sa library.
White blouse and blue maong pants lang ang porma ko ngayon samantalang si Jen naman ay naka-off shoulder with matching high waist pants. May date pa daw kasi sila ni Arthur mamayang hapon. 1 pm pa lang naman ngayon at kanina pang 10 am ako nandito sa library samantalang kakarating lang ni Jen kani-kanina lang.
Kakaunti lang ang tao ngayon dito sa library dahil wala namang pasok pero may iilang mga nag-susummer class. Akmang magrereklamo pa sana si Jen kaya lang biglang tumawag sa kaniya si Arthur kaya ayun sinapian na naman siya ng kalandian at kinikilig na lumabas muna sa library para sagutin yung call ni Arthur.
Napailing na lang ako, Haays pag ako na-inlove sisiguraduhin kong hindi ako magiging ganyan kabaliw tulad ni Jen tss...
Ibinalik ko na lang yung tingin ko sa mga history textbooks na nakakalat ngayon sa harapan ko. Nagdala rin ako ng maliit na notebook kung saan ilalagay ko ang mga importanteng information and details sa ginagawa ko ngayon.
Nag-reresearch ako ngayon tungkol sa Kingdom of Tondo. Sa totoo lang narinig ko na ito dati nung High school pa ko pero hindi ko na matandaan kasi hindi naman ako interesado talaga noon sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Pero ngayon hindi ko alam kung bakit interesadong-interesado ako sa Kingdom of Tondo. Siguro dahil sa nabasa kong historical novel kagabi na kung saan isang descendants ng royal blood family ng Kaharian ng Tondo ang pamilya ni Salome kaya lang nang dumating ang mga Kastila at nasakop na nila ang Kingdom of Manila at Kingdom of Tondo naglaho na ang kaharian ng ating mga ninuno...
Ang Tondo o mas kilala noon bilang Tundo, Tundun o Tundok ay isang kaharian na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pasig river na tumutuloy hanggang sa Manila Bay na bahagi ng Luzon. Ang Tondo ay isa sa pinaka-sinaunang nayon na nabanggit sa Laguna Copperplate Inscription na naitala noon pang 900 AD.
Ang Kaharian ng Tondo ay kilala na noon pa man bilang isang diplomatikong ugnayan sa bansang Tsina sa kasagsagan ng Ming Dynasty (year 1368 - 1644). Noong taong 1373, nagpadala ng mga sugo/kinatawan ang Ming dynasty sa Luzon bilang bahagi ng kanilang malayang pakikipagkalakaran sa isa't-isa at pagiging magkaibigan ng bawat kaharian. Kinikilala rin ng Ming Dynasty ang Tondo bilang isang Kaharian na pinamumunuan ng Hari.
Kasabay nito ay ang pagdating ng mga unang intsik na nanirahan sa Pilipinas at nagkaroon sila ng magandang samahan.
Bukod dito ay ang Kaharian ng Tondo at kaharian ng Maynila ay may malalim rin na koneksyon at pakikipag-kaibigan sa bansang Brunei. Noong taong 1500 AD, si Sultan Bol-kiah, hari ng Brunei ay nag-proklama ng kasal sa pagitan ni Gat Lontok (who later became Rajah Namayan) at Dayang Kay-langitan, isang dalagang nabibilang sa dugong bughaw sa Kaharian ng Maynila.
Ang namumuno sa Kaharian ng Tondo na si Lakandula ay napanatili ang kaniyang posisyon ngunit ang kapangyarihang pang-politikal ay napunta na sa kaharian ng Maynila na pinamumunuan ni Rajah Sulayman.
BINABASA MO ANG
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
Historical FictionPrequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at l...