Kabanata f(x - 19)

481K 17.3K 15K
                                    


[Kabanata 19]


Our Asymptotically Love Story

(page 141 - 156 )


Ika-Siyam na Kabanata

Filipinas 1688



"Nagagalak akong muling makita ka... Lumeng" ngisi pa ni Patricio sabay kindat kay Salome na ikinagulat ni Salome, na ikinangiti ni Eleanor at ikinaseryoso ng mukha ni Fidel.

Agad inalis ni Salome ang kamay niyang hawak-hawak pa rin ni Patricio dahilan para mas lalo pang ngumisi si Patricio dahil sa gulat na gulat na itsura ni Salome.


Por Dios, Bakit? Bakit ang lalaking ito pa ang siyang may-ari ng hacienda!


Naalala ni Salome ang mga pinagsasabi niya noon kay Patricio nang maka-ilang ulit silang nagkatagpo sa palengke.


"Paumanhin Ginoo ngunit sa tingin ko ay kailangan mo ng magpatingin sa manggagamot dahil malala na ang sayad ng iyong utak"


"Kilala na kita! At alam ko ang iyong mga gawain, isa kang hambog, matapobre at bastos na ginoo!"


"Kainin mo iyang pilak mo at sana matunaw iyan sa halang mong bituka!"


"Iyong tandaan Ginoo, Hindi lahat ng nabibilang sa mababang uri ay magsusunod-sunuran sa inyo, at kailanman ay hindi ako yuyukod o luluhod sa mga katulad niyo na walang ginawa kundi hamakin kaming mga tunay na nagmamay-ari ng bansa---"


Napalunok na lamang si Salome sa lahat ng naalala niyang sinabi niya kay Patricio noong wala pa siyang ideya na ang lalaking nakakaengkwentro niya sa palengke ay si Senor Patricio Montecarlos pala!


Siguradong matatanggal ako nito sa trabaho!



"Oh? Anong pang hinihintay niyo? Tara na sa hapag masamang pinaghihintay ang pagkain" tawag pa ni Manang Estelita na nakatayo na sa tapat ng pinto, "Opo Manang" nakangiting tugon ni Patricio at dali-dali siyang nagtungo kay Manang upang sabayan ito sa paglakad at nagkwentuhan pa sila.

"Tara na, ipagpatuloy na lang natin ang usapan sa hapag" aya pa ni Eleanor at sumunod na ito sa loob, inaya na rin niya si Mang Berto na mag-almusal na dahil maaga pa silang umalis kanina papuntang bayan upang magsimba. Nakangiti namang tinanggap ni Mang Berto ang paanyaya ni Eleanor na sumabay na siya sa almusal.

Samantala, naiwan pa ring tulala si Salome na nakatayo sa gilid ng kalesa habang pilit na pinapakalma ang sarili. Mas lalo pa siyang kinabahan nang alalahanin niya ang mga walang pakundangang salitang binato niya noon sa harap mismo ni Patricio.

"Lumeng... Tayo na sa loob" tawag pa ni Fidel dahilan para matauhan si Salome at dire-diretso nang naglakad papasok sa loob ng mansyon habang ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi na ngayon maipaliwanag dahil sa kaba. Hindi na rin mapakali ang mga daliri niyang papintik-pintik na ngayon.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon