[Kabanata 32]
~I'm lookin' back on things I've done
I never wanna play the same old part
I'll keep you in the dark
Now let me show you the shape of my heart~-Backstreet boys (Shape of my heart)
"Maraming Salamat Senor Fidel! Hanggang sa muli..." wika ng babaeng nasa tabi ko, napalingon ako sa kaniya pero malabo ang kaniyang mukha. "Tayo'y magdasal para sa paglalakbay na ito" patuloy pa ng babaeng iyon sabay hawak sa kamay ko. Nagulat ako nang biglang hawakan ang kabilang kamay ko ng isa pang babae na nasa kaliwa ko naman. "Ano ito?" tugon niya sabay kuha ng isang bagay na nasa palad ko.
"Isang purselas na rosaryo? Sinong nagbigay sa iyo nito?" usisa niya pa pero hindi ko alam kung bakit bigla kong kinuha sa kaniya ang purselas at muling ikinubli iyon sa aking kamay. Tiningnan ko muli siya ng mabuti pero hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil sobrang dilim ng paligid. Madilim ang gabi at natatakpan ng makapal na ulap ang kabilugan ng buwan.
Kasabay niyon ang patuloy na pagpatak ng ulan mula sa kalangitan. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaki na naka-suot ng purong itim at itim na sumbrero. Nakatayo siya sa ilalim ng malaking puno habang nakatingin sa amin. Unti-unting kaming lumalayo sa kaniya, hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil nababalot ng makapal na hamog ang paligid...
"Saan mo nakuha ang purselas na rosaryong iyan?" narinig kong tanong ng babaeng katabi ko sabay hawak muli sa kamay ko para kunin ang purselas na iyon. "Bakit mo tinanggap?!" seryoso niyang tugon sabay hawak sa magkabilang balikat ko. hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot, parang pamilyar ang boses niya.
Napalingon ulit ako sa direksyon ng lalaking nakatayo sa ilalim ng puno, Unti-unting naglaho ang makapal na hamog sa paligid hanggang sa makita ko ang mukha ng lalaking iyon...
Sir Nathan?!
"ATE! ATE! GISING!"
Nagising ako nang maramdaman ko parang umaalog ang paligid. Nang imulat ko ang mga mata ko agad tumambad sa harapan ko si Alex. Ngayon ko lang nakitang nag-aalala ang itsura niya. "Binabangungot ka" patuloy niya pa sabay baba na sa double deck namin.
Parang ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng ulo ko, nagulat ako kasi may luhang dumadaloy sa psingi ko. Bakit ako umiiyak?
Napatingin naman ako kay Alex at mukhang hindi naman niya napansin ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling iyon, pinunasan ko na agad ang luha ko gamit ang kumot ko. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napatingin sa orasan. 12 midnight na, dalawang oras pa lang pala ako nakakatulog.
Napatingin din ako sa rosary bracelet na gawa sa kahoy na suot ko ngayon, ganitong-ganito yung nasa panaginip ko. binigay to sa'kin ni Sir Nathan kanina bago kami umalis sa Quezon City at sumakay sa van pauwi dito sa bahay.
"Buti na lang di pa ko natutulog" sabi pa ni Alex sabay higa ulit sa kama niya at nagbasa ng mga science fiction novels. Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko, binangungot pala ako.
Napahawak na lang ako sa ulo ko, para kasing pumipintig ito. Maging ang puso ko parang biglang sumikip na hindi ko maintindihan. Ang aga ko kasi natulog kanina sobrang napagod ako sa pagpunta namin sa fiesta ng Birheng Maria ng La Naval sa Quezon City kanina.
Napahiga na lang ulit ako sa kama at napatitig sa kisame. Habang tinitinigan ko ang kisame madaming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Bakit napanaginipan ko si Sir Nathan?
BINABASA MO ANG
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
Historical FictionPrequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at l...