Kabanata f(x - 26)

410K 13.5K 20.3K
                                    

[Kabanata 26]

"And, when I hold you in my arms I promise you
You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better
Than I ever did before
And you'll be in my heart forever more"


- Natalie Cole (Starting Over Again)




"Aleeza..."




Naalimpungatan ako nang biglang may mag-flash na liwanag sa mata ko. Sandali kong naimulat ang mga mata ko pero hindi ko kinaya ang nakasisilaw na liwanag. "Patayin mo nga ang ilaw totoy! Natutulog ang ate mo"


"Sorry ma, may hinahanap lang kasi ako, di ko makita"


"Bukas ng umaga mo na lang hanapin yan, pagpahingahin mo muna ang ate mo"


Napahawak na lang ako sa noo ko, sobrang bigat ng ulo ko at parang tumitibok pa ito. Ang bigat-bigat din ng pakiramdam ko magkaka-trangkaso ata ako. Iminulat ko na ulit ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang mga glow in the darks na star na nakadikit sa kisame. Nasa bahay na pala ako.


Teka!


Nasa bahay na ako?


Napalingon ako sa gilid at nakita kong hinahalughog ni Alex yung bookshelves namin, ang dami ng kalat sa buong kwarto at yung mga libro ay nakasalampang na rin sa sahig. "Toy! Hindi ka ba makikinig sa'kin?" reklamo ni mama dahilan para mapa-kamot na lang sa ulo si Alex. "Ano bang hinahanap mo? hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?" sermon pa ni mama. Wala namang nagawa si Alex kundi sumunod na lang kay mama, binalik na niya sa shelves lahat ng librong kinalat niya, pinatay na niya ang ilaw at lumabas na sa kwarto.

Napatingin ako sa wall clock namin, 10 pm na ng gabi. Anong nangyari? Bakit parang lalagnatin ako? at bakit nandito na ko sa bahay? ang huli kong natatandaan hinihintay ko si Alex sa labas ng room nila pagkatapos...


May narinig akong tunog mula sa piano at sinundan ko iyon hanggang sa makarating ako sa theater hall, at doon nakita ko si Sir Nathan na mag-isang tumutugtog sa piano sa gitna ng entablado. Pagkatapos... Anong nangyare? Bakit nandito na ko sa bahay?


Halos kalahating oras din akong nakatulala doon at pilit na inaalala ang nangyari pero di ko talaga maalala kaya bumangon na ako kahit pa ang sakit-sakit ng likod ko, bumaba na ako sa double deck at dahan-dahang naglakad papalabas sa kwarto. kahit pa parang nalulula ang pakiramdam ko pinilit ko pa rin makalabas doon.


Pagbukas ko ng pinto, napapikit ulit ako dahil sa nakasisilaw na liwanag ng ilaw mula sa salas. Naabutan kong nanood ng TV si mama habang si Alex naman ay nagbabasa ng libro sa tabi niya. "Oh? Aleng! gising ka na pala, halika mag-hapunan ka na" tawag ni mama nang mapalingon siya sa'kin. Agad siyang tumayo at nagtungo sa kusina para sandukan ako ng kanin at ulam.


"Sandali lang, iinitin ko lang ang sinigang na bangus" sabi pa ni mama sabay bukas ng kalan. Naupo na ako sa hapag at pinagmamasdan ko siya. kanina medyo Malabo ang paningin ko pero unti-unti ng lumilinaw ngayon. "Maayos na ba ang pakiramdam mo anak? Ito na yung gamot na hiningi mo sa akin kanina pagdating niyo" patuloy pa ni mama sabay abot sa'kin ng gamot. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon