Kabanata f(x - 29)

432K 13.7K 22.5K
                                    

[Kabanata 29]

"Cause when your hands are in mine
You set a fire that everyone can see
And it's burning away
Every bad memory"

-Westlife (It's You)




"Esmeralda!"




Parang mas lalong bjglang bumigat ang ulo ko dahilan para mapahawak ako sa noo ko at mapakabig sa bintana. "Aleeza! Hija..." narinig kong tawag ni Mrs. Lea at naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na pala siya, agad niyang hinawakan ang braso at balikat ko para alalayan akong hindi matumba.

"LEA! LEA! NANDITO NA SI NEYTAN!" sigaw pa nung ale sa baba.

Muli kong minulat ang mga mata ko, bumungad sakin ang mukha ni Lea na sobrang nag-aalala habang titig na titig sa mukha ko. "Ayos ka lang ba Hija? Nahihilo ka ba?" tanong niya pa sabay hawak sa leeg at noo ko.

Agad akong dumungaw ulit sa bintana... Bumalik na sa normal ang lahat. Wala na ang kalesa, ang mga kababaihan at kalalakihan na naglalakad sa kalsada habang naka-baro't-saya at barong tagalog... At Wala na rin si Sir Nathan.

Hala! Nasaan na siya?

Dumungaw pa ako lalo sa bintana, natanaw ko muli ang koste niya. At nandoon pa rin ang ilang bisita sa labas. "Anong hinahanap mo Hija?" tanong pa ulit ni Mrs. Lea sabay hawak ng mahigpit sa braso ko. Magsasalita na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan namin ang isang matabang ale na naka-daster pa.

"Jusmiyo Lea, kanina pa kita tinatawag, Nandito na ang pamangkin mo" tugon nung ale habang umiiling-iling pa ito. "Ah! Sige po Nay Susan bababa na po kami, pakiasikaso muna si Nathan" sagot ni Mrs. Lea sabay tingin ulit sa'kin.

Ibig sabihin... Ang pamangkin na tinutukoy niyang may-ari na ngayon ng ancestral house na ito ay si... Sir Nathan Abrantes pala!

"Halika na Hija, baka hinahanap ka na rin ng tita Meg mo" tugon pa ni Mrs. Lea sabay ngiti at kapit sa braso ko at sabay kaming naglakad papalabas sa silid na iyon. Pero bago niya isara yung pinto, muli akong lumingon sa loob, hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba rin ang pakiramdam ko habang tintitigan ang silid na iyon, lalong-lalo na ang lumang piano na kulay itim na halos 100 years na rin daw ang tanda.

Bago kami makababa ng hagdan rinig na rinig ko na agad ang ingay mula sa salas at kusina ng bahay. "Nakakatuwa naman hindi namin inaasahan na makikita ka namin dito Hijo!" tuwang-tuwang tugon ni mama habang tinatapik-tapik ang balikat ni Sir Nathan.

Pinalibutan na siya ngayon nila mama, Tita Meg, Tita Rita at Tita Aireen habang si Alex naman ay nasa likod nila. Maging ang ibang bisita ay napapalingon na rin ngayon kay Sir Nathan. "Hindi ko rin po akalain na makikita ko kayo dito tita... Tamang-tama pala ang pagpunta ko dito" ngiti pa ni Sir Nathan. Grabe! Ang aliwalas niya tingnan ngayon, bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang blue polo shirt at black jeans.

"Nate! Hijo" tawag ni Mrs. Lea na nakakapit pa rin sa braso ko. Sabay-sabay naman silang napalingon sa amin ni Mrs. Lea, pababa na kami ngayon sa hagdan. Halaaa! Hindi pa ko ready na makita si Sir Nathan ngayon! Naalala kong hindi ko pala siya kinausap nung Friday sa klase at tinaguan ko rin siya para hindi ko siya makasalubong sa kahit saang lupalop ng school.

Bigla namang napangiti si Sir Nathan at parang may kuryenteng dumaloy mula sa likuran ko nang magtama ang mga mata namin. "I thought you're going back to Spain this week... Hindi mo na ba tinuloy ang resignation mo?" tanong ni Mrs. Lea sabay yakap kay Sir Nathan. Napaiwas naman ako ng tingin kay Sir at tumabi na lang kay Alex na nasa likuran nila.

"I'll stay, tita" sagot ni Sir Nathan, bigla namang napangiti si Mrs. Lea sabay tapik sa balikat ng pamangkin niya. "So you choose to... Stay" tugon pa bi Mrs. Lea at nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa'kin.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon