[Kabanata 16]
"Let me ask time has passed
Do you feel this could last
If you dont, why then stay
Take your wings, fly away"-A1 (One Last Song)
"Aleng! Gising na... Hindi ka na naman ba papasok?" naalimpungatan ako nang tapik-tapikin ni mama ang binti ko. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong pa ni mama habang patuloy pa rin akong ginigising. Ang bigat ng ulo ko, dalawang araw na akong hindi nakatulog ng maayos. Friday na ngayon at wala pa rin akong balak pumasok.
"Ngayon ang laban ng kapatid mo diba? Di mo ba siya papanoorin?" tanong pa ni mama, napamulat naman ako ng mata pero nakatalikod pa din ako kay mama. Oo nga pala, ngayon ang Academic Pasiklaban in Physics Category at si Alex naman ang representative ng course nila.
Napatingin ako sa orasan, malapit na mag-8 am. Ang alam ko 8 am ang umpisa ng contest nila Alex, hindi na rin ako aabot. "Mukhang masama pa ang pakiramdam mo, magtitimpla ako ng salabat" sabi pa ni mama at lumabas na siya sa kwarto namin. Napalingon ako sa bintana, umuulan ngayon... kaya siguro ang bigat bigat na naman ng dibdib ko.
Ang pagkakaiba nga lang alam ko ngayon kung bakit ako nagkakaganito. Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nasaksihan kong pag-uusap ni Sir Nathan at nung girlfriend niya...
"Cassandra please..."
Hinawakan nung babae yung kamay ni Sir at bigla niyang niyakap si Sir Nathan. "I'm sorry, please I love you" tugon pa nung babae habang yakap-yakap ng mahigpit si Sir. Humihikbi yung babae at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap kay Sir Nathan.
Hanggang sa niyakap na rin siya ni Sir Nathan pabalik...
"I love you Nate" sabi pa nung babae pero hindi naman sumagot si Sir Nathan. Ilang sandali pa, Sisilip sana ulit ako kaso naaninag kong papaakyat na silang dalawa kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa taas hanggang fourth floor at doon sumakay na lang ako sa elevator pababa.
Napabangon na lang ako sa inis... Teka nga! Ano bang pakialam ko sa kanila? bakit ba ko naaapektuhan? Ugh! Nasobrahan lang siguro ako ng kaaral ng math para sa contest kaya nagkakaganito na ko. okay lang naman siguro na magpahinga ako matapos ang halos isang buwan na pagrereview kasama si... Sir Nathan. What the heck! Naalala ko na naman siya! Erase! Erase! Erase!
Napasabunot na lang ako sa sarili ko at nagtaklob ulit ng unan sa mukha. Hindi ako pumasok kahapon at hindi rin ako pumasok ngayon, nakokonsyensya na ko kasi nagsinunggaling pa ko kay mama at papa na masama ang pakiramdam ko.
Pero totoo naman, ang kirot-kirot na naman ng puso ko. siguro kasi umuulan ngayon kaya nararamdaman ko na naman to.
Bumangon na ulit ako at bumaba na sa higaan ko. sa bawat paghakbang ko ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan ko. baka nagkatotoo na nga na may sakit ako dahil sa pagsisinunggaling ko. paglabas ko sa kwarto naabutan kong nasa mesa na sa hapag si mama at sinasalin na niya yung mainit na salabat sa tasa. "Inumin mo na ito anak habang mainit pa..." sabi pa ni mama at inalalayan niya pa ako maupo.
Hindi ko naman mainom agad yung salabat kasi nakakapaso ang init nito. Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni mama "Mabigat na naman ba ang dibdib mo?" tanong ni mama, napatango naman ako. mukhang hindi ko naman na kailangan pang magpanggap na may sakit kasi totoo namang ang sakit ng dibdib ko.
Bigla namang hinimas-himas ni mama ang ulo ko "Hayaan mo anak pag naka-ipon na tayo, ipapa-check up ulit natin yan" sabi pa ni mama at ngumiti siya ng bahagya sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
Historical FictionPrequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at l...