WAY Chapter 1

3.1K 53 2
                                    

Dalawang taon.

Dalawang taon na nakalipas simula nang yare yon, Sa dalawang taon walang nag hanap sakin, Sa dalawang taon walang nakakakilala sakin, Sa dalawang taon na yon puro tanong ang isip at puso ko. Pumikit ako at dinamdam ang hangin habang nasa labas ako ng isang Bahay, sa isang bahay kung san nakatira ang mga taong umampon at tumulong sakin.

"Anak, tara sa loob!" 

Kahit ganito ang buhay ko okay lang, Hindi mahirap at hindi rin mayaman. Simple lang, May paupahan ng bahay ang mama ko sa lugar ng Nueva Ecija. Pumasok ako sa loob at tinignan ko ang dala nya.

"Alam mo Nak, ang daming magagandang damit sa bayan napag pasyahan kong bilan ka dahil diba malapit na pasukan sa maynila? Kinuha ka ni Kuya Aaron mo. Diba magaganda daw ang mga tao dun so gusto ko hindi papatalo ang bunso ko."

"MA! AKO BUNSO MO." 

Tumingin ako kay Alerry na nag dadabog nanaman habang papalapit sakin. "Ikaw bunso ko." sabay yakap ko sa kanya. 

"Ma, ako ba wala nyan?" 

"Meron syempre." natatawang sabi ni mama.

Napangiti ako sa kanila dalawa, Talagang mag ina sila dahil iisa ang muka nila.Ang ganda ganda ni mama pero nagawa syang iwan nga sawa nya, dalawang taon na nakalipas nung nakunan sya at don sya sa hospital kung san ako na confine. Nandon sya at umiiyak kasama nya si Alerry na umiiyak din.


"MA! WAG KA NG UMIYAK!" 

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko ang isang batang nasa 14 years old at may kasamang isang babaeng nasa 40's na siguro pero halatang maganda to. Umiiyak ito ng walang humpay at naka hospital dress sya tulad ko. 

"MA, WAG MONG IYAKAN ANG WALANG KWENTA!"

Inayos ko ang saklay ko at pumunta sa lugar nila at ng malapitan ko sila pareho silang umiiyak at para bang hirap na hirap. "A-ang anak ko." she's crying. 

"MA! PLEASE, WALA NA SILA SKY!" 

"N-no! hindi sya pwedeng mawala."

Nang makalapit ako sa kanila ay tumingin sila sakin. "O-okay lang ba kayo?"

"Muka ba?!"

Napaantras ako sa sigaw ng babae ng dahilan na pag upo ko sa damo. "Alerry?!" sigaw sa kanya ng babae dahil napansin nilang natatakot ako. 

"MA?! BUMALIK NA TAYO SA LOOB." 

Umalis na sila sa harapan ko pag katapos non. Ako naman ay hindi makatayo dahil sa binti ko at hindi ko masyado magalaw ang kamay ko, tatlong buwan ako natulog sa hospital na to at sa tatlong buwan nayon walang dumalaw sakin at sa isang linggo ay naging ka close ko ang mga nurse dito at nalaman kong walang dumadalaw sakin kahit sino nung na comatose ako.

"Sagot naman ng Mayor natin ang hospital na to at lahat libre dito." Napangiti ako dahil don.

"Kahit dito na ko tumira?" Nag tawanan sila sa sinabi ko.

"Alis na kami ah? May gagawin pa kasi kami don."

Tumango ako at nag lakad na pabalik sa kwarto ko lahat ng nurse at doctor na madadaanan ko ay kinakawayan ako at binabati. Pero napatigil ako ng nakasalubong ko ang dalawang babae na may kasamang lalake na kasing edad ko lang ata.

Hindi ko sila pinansin pero agad ako tinawag ng babae,

"H-hey." 

Lumingon ako sa kanila at yumuko. "B-balita ko wala daw kumukuha sayo dito." Dahan dahan akong tumango. "A-ano pangalan mo?" 

Who are you? (KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon