WAY Chapter 2

1.7K 47 0
                                    

Lahat kami ay nasa iisang mesa at mga nakangiti. Maraming nakahain na iba't iba putahe pero ni wala man gumalaw para kumuha ng mga pag kain. Nag katinginan kami ni kuya Arron na katabi ko. Hinawakan nya ang bewang ko. 

"So? Isang gabi ka lang mag i stay?" Pag oopen na topic ni Alerry na nakatingin sa pag kain.

Alam ko ang nararamdaman nya, I know she's mad dahil kauuwi lang ni Kuya ay aalis agad to kinabukasan na kasama ako. She's 4rth year high school and after this year kasama nadin namin sya sa manila and me? Tapos na ko sa pag aaral siguro yun na ang time para makabawi ako kela mama.

"Then after a year ako nalang mag isa dito." malungkot na saad ni mama.

"Ma?" tawag ko sa kanya at napa buntong hininga sya.

"Una si Aaron, Sunod ikaw." 

"Ma, dadalaw naman kami pag free ." Si Kuya. "Saka, tumatawag naman ako araw araw ---"

"Kay Ate Sky." napanguso ako. "Minsan iniisip ko na gusto mo si ate Sky dahil puro sya nalang lagi tinatawagan mo. Nag seselos na ko." natawa ako ng konti kay Alerry.

"And i will always calling you, Mama and Alerry. I promise." 

Parang batang ngumuso si mama at pumunta ako sa tabi nya. "Kung wala ka ma, Wala din ako." I hugged her tight. "I love you, Mama. Forever." 


Ang gabing yun ang pinaka masaya sa lahat dahil ng bandang Ala otso ng umaga ay umalis na kami. Umiiyak kami lahat ng umaga dahil mapapalayo ako sa kanila pero alam ko na babalik kami dahil sila lang naman ang pamilya ko. Sila lang ang kailangan ko sa buhay ko.

Nang makarating kami ng Manila ay agad kaming pumunta sa Condo na tinutuluyan ni Kuya Aaron. Pumasok ako dun at nilagay ko ang gamit ko sa Guestroom.

"Kuya? Ang ganda dito." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Eto ang nagagawa ng ipon ko, Hindi pa tapos ang hulugan pero alam kong mababayaran ko sya." napangiti ako sa kanya.

Natulog ako sa Guestroom at habang sya ay asa kwarto nya. He said na pwede naman daw na don ako pero tumanggi ako, Ang panget naman tignan kung mag katabi kami. Ewan ko kung ako lang ba nakakaramdam non o sya. Alam kong hindi kami Blood related but sometimes natatakot ako. Kapatid ko sya pero nakakaramdam ako ng iba sa dibdib ko.

Nakatulog ako sa Guestroom at nagising nalang ako ng Ala 6 ng gabi. Naka handa na ang dinner at tahimik kaming kumain ni kuya. Nang matapos ako ay tinagawan ko agad si mama para sabihin na nandito na kami dahil nakalimutan namin syang tawagan.

"Sky!" 

"Ma!" tawag ko agad sa kanya at narinig ko din ang boses ni Alerry na nangungulit na gusto kaming kausapin. "Kumain ba kayo?" Umupo ako sa sofa katabi ni Kuya Aaron. Inikot nya ang kamay nya sa bewang ko. 

"Yes, Nak. Kayo ba? Ano okay lang ba kayo dyan?"

"Yes, Ma! We're fine po." sagot ko sa kanya.

"Nakooo! Halatang masaya ka tapos kami malungkot." Natawa ako ng konti.

"Ma! Ako naman."

"Manahimik ka Alerry, tawagan mo kuya mo sa cellphone!"

Lalong lumakas ang tawa ko sa dalawa na para bang mga bata. Tinignan ko si Kuya Aaron na nakatingin sakin at sinabi kong kunin nya ang cellphone nya para tawagan si Alerry at nakuha nya naman yun at ngayon kausap nya na.

Si Kuya Aaron kasi ay masungit na Tahimik,Yung mga taga samin gustong gusto sya kahit masungit sya at kahit naman na hindi sila pinapansin ay ganon parin. Lalo lang ata nahuhulog sa kanya ang mga kababaihan samin. Kaya nung nawala si kuya Aaron parang mga na broken. Hindi mo naman kasi masisi. Ang gwapo gwapo ng kuya ko.

Who are you? (KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon