CHAPTER TRES

1.8K 53 7
                                    

RIENHART'S POV

"'Tol! Saan tayo sasakay?" tanong ko kay Henry nang magkita na kami at pagkatapos ng pagkumustahan namin sa Pier 4.

"D'yan oh! May deritso d'yan hanggang sa Cubao 'Tol." turo n'ya sa may naka-parking na jeep at tiningnan ko naman.

Pinuntahan namin at saka sumakay na kami.

"Cubao!! Cubao!! Cubao!! Deritso!!" sigaw ng isang matandang lalaki na nagtawag ng mga pasahero.

Since marami naman ang mga pasaherong sumakay, napuno agad ito at lumarga.

"Bakit parang puyat ka 'Tol?" tanong ko kay Henry habang tinitingnan ko siya.

Mukha kasing wala pa siyang tulog dahil nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata at lumalim na ito.

Nasa kabilang upuan siya at magkatapat lang kami habang nakaupo.

"Galing pa kasi ako ng duty 'Tol. Night shift kasi ako for 1 month! Pag-out ko kanina sa trabaho ay dumeritso na ako dito para sunduin ka." sagot niya at pagkatapos ay humihikab na parang inaantok na.

Humihikab din ako pero hindi ako inaantok kundi nagugutom. Tiniis ko lang muna ang gutom ko kasi wala na akong perang pambili ng pagkain. Naubos doon sa barko.

Magbaon na talaga ako ng kanin at ulam sa susunod. Promise!

"Baka makatulog ka 'Tol! Hindi ko alam kung saan tayo bababa." pangangamba kong sabi.

"Hahaha! H'wag kang mag-alala 'Tol! Malayo pa ang Cubao." sagot niya sabay hawak sa bakal na hawakan na nasa bobong ng jeep.

Napa-'Ahh' nalang ako sa sinabi niya at ngumiti.

Medyo malayo na ang binyahe namin at hindi ko alam kung nasaan na kami.

Tinanong ko siya kung saan ako magtatrabaho at gaano kalaki ang bahay at ang apartment na sinasabi niyang pagtrabahuan ko noong isang gabi.

"Actually 'Tol, alam ko kung saan ka magtrabaho kasi nakapunta na ako do'n sa bahay ni Catherine na nasa Antipolo. At hindi naman kalayuan sa bahay nila ay ang apartment na pinaupahan nila." dumukot siya ng pera sa bulsa niya at ibinigay ito sa driver. "Manong bayad po. Dalawang Cubao."

So, si Catherine pala ang magiging amo ko. Naku! Baka reypen niya ako.

Ahaha! Feelingerong palaka si kokak!

"Ako lang ba ang mag-isang magtatrabaho do'n 'Tol? Wala na bang iba?" tanong ko.

"Parang gano'n na nga 'Tol. Ayaw na nga sanang kumuha ni Catherine ng houseboy kaso matanda na ang Mama niya. Baka daw hindi na kayanin ng Mama niya ang mga gawaing bahay at saka busy din siya sa company niya sa Pasay."

Ah!!! Mama pala ni Catherine este Maam Catherine pala ang pagtatrabahuan ko. "So, dederitso na tayo sa Antipolo 'Tol o sa Pasay?" tanong ko sa kanya habang sa labas naman ako nakatingin.

"Sa Antipolo na tayo deritso 'Tol pero hanggang Cubao lang tayo magsakay ng jeep kasi naghihintay sa atin si Catherine sa Cubao at sa kanyang kotse nalang tayo sasakay papunta sa Antipolo."

"Ahh. Malayo pa ba ang Cubao 'Tol?" tanong ko.

Gusto ko nang makarating sa Cubao dahil excited na akong makita 'yang si Catherine na 'yan na sinasabi ni Henry. Si Maam Catherine pala.

"Nandito na nga tayo 'Tol e. Mabuti nalang ay maaga tayo kaya wala pang traffic." sabi niya sabay hakbang pababa ng jeep. Gano'n din ang ibang mga pasahero. "Oh! Baba ka na."

Bumaba na rin ako sa jeep habang bitbit ang bag ko at pagkatapos ay tumabi kami sa tabi baka kasi masagasaan kami.

Bigla naman akong napatingin sa itaas dahil may mahabang sasakyan na dumaan.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon