BRUCE'S POV
Pagpasok ko sa opisina ni Ate, may lalaki siyang kausap na hindi ko kilala. Halatang bago lang ito dahil ngayon ko lang siya nakita.
Siguro, siya ang sinasabi ni Ate sa akin kahapon na ipapalit sa posisyon ko at e-train ko daw.
"Hello Cutie Pie!" bati ni Ate sa akin.
"Hello Ate!" bati ko din sa kanya at dumeritso sa mesa ko sabay tingin sa kanilang dalawa. "Siya na ba ang bagong hire Ate?"
"Oo! Ahmm, siya si Niel. Niel, si Bruce kapatid ko at siya ang mag-train sa'yo dito."
"Hello po Sir!" bati niya sa akin.
Tumango lang ako at binuksan ang laptop at pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko para e-txt si Reinhart.
Dudz, nasa opisina na ako. Kumain ka na d'yan huh. Medyo busy ako mamaya at baka hindi ako makapag-reply sa'yo. Text text lang tayo mamayang lunch. Ingat. Miss you and I love you Dudz. message sent to MyHart.
"Cutie Pie, 'kaw na bahala sa kanya huh." sabi ni Ate sa akin sabay tayo. "Lalabas muna ako sandali."
"Sige po Ate." sagot ko at tinawag ko na ang lalaki. "Halika na 'Tol! Kuha ka nalang ng upuan mo do'n oh!"
Kumuha naman siya ng upuan at tumabi sa akin.
Hindi ko siya tinuruan kung ano ang mga trabaho ko sa opisina. Pinag-aralan namin 'yon kaya alam na niya 'yon at isa pa, ayaw ko siyang turuan para hindi siya matuto para hindi matuloy ang pagpadala ni Ate sa akin sa Cebu.
Pero mukhang matutuloy talaga. Tsk. Tsk.
"Alam mo ba kung paano gumawa ng plano 'Tol o mag-estimate?" tanong ko.
Alam kong alam niya at sinigurado ko lang kasi may plano ako. Nyahaha.
"Yes Sir." sagot niya.
Ang plano ko ay siya ang pagtatrabahuin ko sa mga trabaho ko para hindi ako papasok bukas at makapag-bonding kami sa mahal ko.
Wew. Buong araw kong makasama si Reinhart bukas.
"Sige 'Tol. 'Kaw na ang gumawa nito huh!" sabi ko sa kanya at ibinigay ang laptop sa kanya. "E-review ko lang mamaya kung may mali ba."
Habang busy siya sa pag-estimate, busy din ako sa android kong cellphone. Nag-open ako sa fb ko at nag-change ng profile pic. 'Yong picture namin ni Hart na nakaakbay ako sa kanya ang ginawa kong profile pic. Pagkatapos ay hinanap ko din ang kanyang pangalan sa search bar para e-add ko siya sa friendlist ko.
"Taga saan ka 'Tol?" tanong ko kay Niel habang nag-loading pa ang phone ko.
"Taga Negros Sir pero nakatira ako ngayon sa Tita ko dito sa Pasay." sagot niya habang nakatingin pa rin sa laptop.
"Ahh, gano'n ba? So ilang taon ka na?" tanong ko at nakatingin sa phone kong nokia. Baka kasi nag-reply na si Hart ko.
"22 na po Sir."
"Ahh. Magkaedad lang pala tayo. 22 na rin ako e."
"Ahh. May asawa ka na Sir?" tanong niya at tutok na tutok pa rin siya sa screen ng laptop.
"Hahaha! Wala pa ah!" sagot ko. "Ikaw ba ay may asawa na?"
"Wala pa din Sir!"
Tiningnan ko si Niel.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
DragosteSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...