BRUCE'S POV
Dumating na ang araw na ipinapangako ko kay Reinhart na uuwi ako sa Manila.
Siguro ay nag-alala na siya sa akin dahil bihira nalang akong mag-reply sa kanya.
Minsan nga ay hindi ko na nga siya mareplyan dahil ang atensyon ko ngayon ay kay Niel na. Mahal ko na si Niel at masaya ako kapag kasama ko siya.
Palagi kaming magkasama noong nakaraang araw kaya mas lalo akong na-inlove sa kanya at hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit sa akin tungkol sa kung ano na ang sagot ko sa kanya pero kagabi, sinagot ko na siya.
Oo! Official na kaming magkasintahan.
Masaya ako sa desisyon ko at binabalewala ko na lang si Reinhart.
Ewan ko ba!
Parang nagising nalang ako isang araw na hindi ko na siya mahal.
Masasaktan ko man siya kapag malaman niyang hindi ko na siya mahal pero kailangan ko na talaga siyang hiwalayan.
Ayaw ko na siyang paasahin pa kagaya ng ginawa sa akin ni Jenny.
Mas mabuti ng maaga kong sabihin sa kanya para makapag-move on siya agad at makahanap ng taong mas karapatdapat sa kanya.
'Yong taong magmamahal sa kanya ng mas higit pa kaysa pagmamahal ko.
Naawa man ako sa kanya pero iba na ang tinitibok ng puso ko ngayon. Si Niel na ang mahal ko at hindi na siya.
Sa tingin ko ay hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit iba na ang mahal ko ngayon dahil sinunud ko lang naman ang tibok ng puso ko.
Tumunog na naman ang cellphone ko dahil nag-text si Reinhart. Sunod sunod na ang text niya sa akin pero hindi na ako nagre-reply sa kanya.
Dudz, uuwi ka ba mamaya? Miss na miss na kita. Sana mag-reply ka na sa akin. message received from REINHART.
Friday na pala ngayon at uuwi na ako sa Manila.
Iniba ko na din pala ang pangalan ni Reinhart sa phonebook ko dahil 'yon ang gusto ni Niel. From myHart ay naging REINHART nalang. Sinunod ko lang ang gusto ni Niel dahil mahal ko siya at ayaw kong magalit siya sa akin kaya susundin ko ang lahat na gusto niya.
Minsan nga ay pinapagalitan ako ni Niel dahil nakita niya akong nag-reply sa text ni Reinhart kaya 'yan ang dahilan na minsan nalang ako makapag-reply ni Reinhart dahil ayaw kong mag-away kami ni Niel.
Nakapag-reply ako kay Reinhart ngayon dahil natulog pa ang mahal kong si Niel.
Oo. Uuwi ako ngayon. message sent to REINHART.
Nag-reply naman siya agad at halatang hinihintay talaga niya ang reply ko.
Sige Dudz, hihintayin kita. I Love You Dudz. message received from REINHART.
Tulog pa rin si Niel kaya nakapag-reply pa ako kay Reinhart. Pinahinaan ko kasi ang volume ng phone ko para hindi siya magising kapag tumunog ang message allert tone.
Okay! Pwede ding hindi ka nalang maghintay sa akin baka kasi matagalan ako sa pagdating d'yan dahil traffic. message sent to REINHART.

BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
Любовные романыSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...