CAHAPTER BENTE OCHO

1K 29 2
                                    

BRUCE'S POV

Mahigit dalawang taon na akong nagtitiis sa sakit ko at hindi ko na naranasan na gumaling pa at bumalik ang dati kong balat.

Nawalan na ako ng pag-asa na gumaling ito dahil ang sabi ng Derma ko dati na ang no. 1 daw na nagpa-trigger nito ay ang stress. Naubos nalang ang pera ko sa kakagamot pero hindi pa rin ako gumaling dahil oras-oras kong iniisip si Reinhart.

Noong nakita ko na siya doon sa kubo ko, gumaan ang loob ko. Nawala ang lungkot at pagkasabik na makita ko siya lalo nang niyakap niya ako.

Malaki na ang kaibahan niya. Sobrang gwapo at mapulapulang labi na gustong gusto kong tikman ulit. Nakakainggit siyang tingnan dahil ang kinis at ang puti na ng balat niya.

Nagpasalamat ako kay Reinhart dahil hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako kahit nasaktan ko siya.

Halos mabaliw ako noong nawala siya at ngayong nasa piling ko na siya ulit, ayaw ko na siyang pakawalan pa. Tatlong taong ko siyang hinintay kaya hindi ko na sayangin ang pagkakataon na makasama siyang muli.

Halos mapaluha ako ngayon sa saya dahil kung wala pa si Reinhart, hindi na ako makapatingin ng doctor na specialista sa balat.

Gusto ko siyang yakapin, halikan, dahil na-miss ko siya pero hindi ko magawa dahil hindi ako masyadong makagalaw dahil sa sakit na nararamdaman ko.

6 am ay nandito na kami sa NAIA TERMINAL 3. Maaga kasi kaming umalis doon. Kakarating lang namin galing sa Cebu.

"Kuya! May alam po ba kayong hospital o clinic na malapit sa Alabang na para sa balat?" tanong ni Hart sa isang driver ng taxi. Nagtatanong kasi siya sa mga driver.

"Ahh! Oo Sir! Sa RITM." sabi ng taxi driver na ikinasaya naming pareho ni Reinhart.

"Ay salamat naman!" masayang sagot ni Hart. "Pwede po ba kaming magpahatid sa'yo doon kuya?"

"Okay po Sir!" sumakay na si Kuya sa may driver's seat ng taxi at dahandahan rin akong pumasok. Sumunod na rin si Reinhart.

"May cut off sila d'yan Sir. 9 am yata. May dinala din ako d'yan e pero hindi na siya umabot." sabi ng driver nang makapasok na kami.

"Gano'n ba? Makakaabot pa ba tayo?" tanong ni Hart na parang kinabahan na.

"Oo naman Sir basta hindi lang traffic."

"Geh Kuya! 'Kaw na ang bahala." si Reinhart.

Habang nasa byahe kami, hinawakan ni Reinhart ang kamay ko. Masaya ako sa ginawa niya kaya tiningnan ko siya at ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin at nagtanong. "Okay ka lang Dudz?"

Tumango lang ako.

Nakaramdam ako ng antok at nilalamig. Parang hindi normal ang lamig na nararamdam ko dahil parang umaabot talaga hanggang sa loob ng laman.

Nakarating kami sa RITM 8:30 am na kaya agad kaming nagpa-register at nagbayad sa counter. Pagkatapos ay pinapunta kami sa area kung saan chini-check up ang mga maysakit sa balat.

Marami ang taong nakapila at ang iba ay nakaupo lang habang naghihintay na tatawagin. Tinitimbang kami, kinunan ng mga vital signs. Pagkatapos ay umupo kami ni Hart para hintayin na tawagin ang pangalan ko.

Hindi nagtagal ay tinawag na ang pangalan ko at pinapasok na ako sa loob.

Ang daming ginawa nila sa akin. Pinahubad ang jacket ko at pantalon at mabuti nalang ay kasama ko si Reinhart dahil siya ang nag-alalay sa akin.

Pinicturan nila ang buong katawan ko para daw ilagay sa files ko para may maikumpara kung may improvements ba na nangyari sa balat ko sa sususod kong pagbalik dito.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon