BRUCE'S POV
Ganito pala 'tong si Reinhart kung malasing dahil hindi mapalagay. Hindi pa nga ako umihi pero siya, kanina pang pabalikbalik sa CR.
Nakakatuwa naman siyang tingnan lalo na palagi siyang ngumingiti at parang nagpapa-cute.
Hindi naman yata niya kailangang magpacute kasi cute na siya e.
Sino kaya ang pinapacutan niya? Ako kaya?
Wala naman ibang tao dito kundi kami lang dalawa. Kanina pa rin siyang pa-english english na wala dito, wala din doon. Ahahaha.
Kinabahan ako nang tumayo siya kaya nagtanong ako sa kanya at ang sagot niya ay bababa daw siya para kunin daw niya ang kanyang cellphone. Natakot ako baka kasi malaglag siya sa hagdan dahil nakainom na siya pero sa tingin ko naman ay kaya pa naman niya kaya hinahayaan ko nalang siya na bumaba.
Pagbalik niya, dala na nga niya ang kanyang cellphone. Mukhang original pero alam na alam ko na made in China ito. Tinanong pa ako sa gago kung gusto ko ba daw'ng makipagpalit. Nyahaha!
Ininom ko na ang tagay na para sa akin at pagkatops ay binigyan ko naman si Reinhart.
"Dudz. Sa'yo na 'to oh!" sabi ko habang inaabot ko sa kanya ang baso.
Tinanggap naman niya at may pangitingiti pa rin siya habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Alam kong lasing na siya pero hindi pa rin siya umayaw kapag binigyan ko siya ng tagay.
Habang tinitingnan ko rin ang cellphone ko, natahimik na siya at nang tiningnan ko ulit, ayon, tulog na pala siya. 'Yong tulog na parang nabali ang leeg.
Uminom ako ng isa pang tagay. May naiwan pang laman na kalahati sa bote pero hindi ko na iniinom.
Tumayo ako at nilapitan si Reinhart para gisingin ko siya.
"Dudz, gising. Lipat ka na sa kama." tapik ko sa braso niya. Tanging ungol lang ang sagot niya sa akin sa bawat sambit ko sa pangalan niya at ayaw pa rin niyang gumising kahit anong ingay na ang ginawa ko.
Hay naku! Kailangan ko talaga siyang buhatin.
Inihanda ko nalang ang katawan ko para buhatin siya.
Napakabigat ni Reinhart ng binuhat ko na siya. Para akong nagbuhat na bagong katay na baboy.
Ang bigat sa gago!
Feeling ko lumaki na ang butas ng ilong ko.
Ganyan yata kapag lasing ang tao e. Para siyang lantang gulay na walang lakas.
Binuhat ko siya na parang isang bride pagkatapos ng kasal papunta sa kama ko. Habang binuhat ko siya, napatingin na naman ako sa mukha niya.
Ang gwapo talaga ni Reinhart kahit kita ko ang bagang niya dahil humihilik siya na nakanganga. Ang sarap halikan ng kanyang mga labi.
Napalunok nalang ako ng laway.
Hays, ano ba 'tong naramdaman ko? Bakit naisip ko ang mga ganyan? Bakit nagwapohan ako ni Reinhart? Hindi kaya bakla ako?
Hindi pwede! Lasing lang ako.
Tama!
Lasing lang ako.
Lasing lang ako.
Dahandahan ko siyang inilagay sa kama para hindi siya magising. Nilagyan ko ng unan ang ulo niya at kinumutan. Inilagay ko naman sa drawer ng mesa ang cellphone niya. Kinuha ko na rin ang mga bote doon sa terrace at pagkatapos ay bumaba ako para itapon ang mga ito at inilagay ko sa lababo ang baso.

BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomansSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...