CHAPTER KINSE

997 35 1
                                    

REINHART'S POV

Friday na ng hapon ngayon at iniisip ko kung kumusta na si Bruce dahil hindi siya nag-text sa akin simula pa kaninang tanghali.

Nanibago ako dahil palagi kasi siyang nag-text sa akin simula kahapon kahit na nasa taxi pa siya hanggang sa makarating na siya ng airport. Pati nga ang pag-check in niya at kahit nasa boarding gate pa siya ay pinapaalam niya sa akin.

Tumawag siya sa akin kagabi para ipaalam sa akin na nasa hotel na siya. Palagi din siyang nag-I Love You sa akin na gustong gusto ko namang pakinggan.

Pati na nga rin 'yong miss na daw niya ako.

Napakasarap sa pakiramdam.

Kahit malayo siya ay naipadama pa rin niya sa akin na mahal niya ako. Gano'n din ako sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at sobra ko na siyang na-miss.

Isang araw pa nga lang kaming hindi nagkita pero miss na miss ko na siya.

Habang nagwawalis ako ay tiningnan ko ang cellphone ko kung nag-text na ba si Bruce pero wala pa rin.

Kinakabahan na ako. Baka kasi may masamang nangyari sa kanya.

Hindi ko napansin na nakita pala ako ni Maam Gloria na hawak ang cellphone ko kaya lalo akong kinabahan baka kasi magalit siya sa akin.

"Hart." mahinahon niyang tawag sa akin pero kinakabahan pa rin ako.

"Maam." sagot ko at lumapit ako sa kanya. "May kailangan po ba kayo Maam?"

"'Di ba, sabi ko sa'yo na bawal ang cellphone habang nagtatrabaho?"

Bigla kong inilagay sa bulsa ang cellphone ko. "Pasensya na po Maam."

"Sa susunod na makita kitang gumamit n'yan habang nagtatrabaho ka, kukunin ko 'yan." mataray na sabi niya.

Tumango nalang ako. Kasalanan ko din e kasi sinabihan na niya ako dati noong unang araw ko pa lang dito na bawal ang cellphone pero kinalimutan ko lang.

Akala ko kasi ay biro lang niya 'yon.

Totoo pala.

Pumasok si Maam sa loob at nagpatuloy ako sa pagwawalis. Habang kinukuha ko ang mga patay na damo, tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Pasimple akong lumabas para tingnan kung si Bruce na ba ang nag-text. Sinigurado ko munang hindi ako makita ni Maam at binasa ang text.

Dudz, pasenya!
Nakatulog ako sa
taxi habang pauwi
ako sa hotel.
Kumusta ka na?
____________________________________
 

                          Ok lang ako Dudz,
                           Kumain ka na?
____________________________________

Tinago ko ulit ang cellphone at bumalik sa loob. Gumaan na ang loob ko dahil nag-text na si Bruce.

Tumunog na naman ang cellphone ko.

Ngumiti nalang ako dahil alam kong nag-reply na naman siya pero hindi ko pa nabasa.

Medyo gabi na nang ako ay matapos sa paglilinis. Hindi kasi ako nakapaglinis kahapon kaya marami na naman ang damo na tumubo.

Si Maam na ang nagluto ng hapunan namin at nagpahinga nalang muna ako sandali. Habang nakaupo ako sa labas, nakita ko ang kotse ni Cath na huminto sa labas.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon