CHAPTER SYETE part 1

1.2K 39 1
                                    

REINHART'S POV

3 pm na akong nakauwi sa bahay galing sa apartment at wala pa rin si Maam Gloria. Kaninang umaga pa siyang wala dito.

Saan kaya siya nagpunta?

Pumunta ako sa kwarto na pinagamit nila sa akin kung saan ay malapit lang sa bodega at kinuha ko ang cellphone ko dahil e-text ko si Henry.

Humiram nalang ako ng 5 na pang-text sa 9696 ng smart kahit 8 pesos ang kaltas nito kung makapagload na ako next time.

Palagi kasing nag-text sa akin ang smart about sa ganyan kaya alam ko.

                           Tol, pakitanong nga si
                           Cathy kung alam ba niyang
                           nasaan si Maam Gloria?
                           Kanina pa kasing umaga na
                           wala siya dito. Kinakabahan
                           kasi ako na baka may
                           nangyaring masama sa
                           kanya. Reply ASAP.

Lumabas na ako sa kwarto ko pagkatapos ma-send ang text ko na para kay Henry upang magwalis sa labas.

Pagod ako pero kailangan kong magwalis kasi marami ang mga dahon ng mahogany na nagsiliparan dahil dinala ng malakas na hangin.

6 pm na akong natapos sa pagwawalis at nataos ko na ring diligan ang mga bulaklak. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa at saka tiningnan baka sakaling nag-reply na si Henry.

Pagtingin ko, unknown number ang nag-text sa akin. Binasa ko naman.

Hart, si Catherine 'to.
H'wag kang mag-alala d'yan.
Nandito si mama sa bahay.
Kinuha ko siya kaninang
umaga d'yan. Pasensya na
kung hindi kami nakapagpaalam
sa'yo. Ikaw muna ang
bahala sa kapatid ko huh
at sa bahay.

Huh? Kapatid? Kaninong kapatid? Wala namang ibang tao dito ahh.

Naku! H'wag niyang sabihin na may iba pang tao dito sa bahay na hindi ko nakikita.

Nakakatakot naman kung gano'n.

Nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa gilid ng tenga, batok at sa kamay habang nakatayo ako sa labas ng bahay lalo na malakas ang hangin.

Lumakas na rin ang tibok ng puso ko.
Natatakot naman ako sa mga ganyan lalo na kung multo.

Ngeeee!!!

Bigla akong nakaramdam ng kaunting kilig. 'Yong maramdaman mo pagkatapos mong umihi.

Ngee!!!

Saan kaya ako matulog ngayon?

Ayaw kong matulog dito. Nakakatakot! Lalo na't hindi pa ako sanay dito. Baka may biglang tumabi sa akin habang natutulog ako.

Ngee!!!

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon