REINHART'S POV
8 am na at nakahiga na ako ngayon sa kama ni Bruce. Sabi niya ay Day Off ko daw ngayon. Ewan ko ba, parang siya ang amo ko kung makapagdeklara ng Day Off.
Ahahaha. Sinunod ko naman.
Patay talaga ako nito kay Maam kung malaman niyang hindi ako nagtrabaho ngayon.
Habang nakahiga ako, iniisip ko si Bruce. Iniisip ko ang totoong pagkatao niya.
Kaya pala gusto niya na palagi kaming sabay kung maligo. Kaya pala gusto niyang magsubuan kami ng cupcake kagabi habang kumakain kami doon sa party sa bahay ni Ronald. Kaya pala galit na galit siya noong nakita niyang may humalik daw sa akin (hindi ko matandaan 'yon kung humalik ba talaga sa akin ang lalaki) na ikinapagtaka ko kung bakit nagalit siya.
Galit siya dahil gusto pala niyang siya ang humalik sa akin at hindi 'yong lalaki. Dahil galit siya, hinalikan ko siya at hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit hinalikan ko siya.
Oo! Pinagbigyan ko siya dahil sa pagkabigla ko.
Galit ako sa kanya pero noong nahalikan ko siya, nakaramdam ako ng saya sa puso ko na hindi ko maintindihan. Tumibok ito na parang gustong kumawala sa dibdib ko. Nagustuhan ko ang halik niya pero bigla akong bumitaw dahil bigla akong natauhan at nag-isip kung bakit ko nagawa 'yon.
Bakit hinalikan ko siya?
Sana ay hindi ko nalang siya hinalikan dahil isa siyang lalaki.
Hindi lang halik ang nakapagpabigla sa akin kundi ang pag-amin ni Bruce na mahal niya ako. Nabigla talaga ako kaya tinawag ko siyang bakla at iniwan.
Bakit mahal niya ako? Ano ang nagustuhan niya sa akin?
Lumabas ako na parang wala sa sarili na parang lumulutang sa hangin at naglakad na walang patutunguhan. Hindi mawala sa isipan ko kung bakit hinalikan ko si Bruce at pati na rin ang sinabi niyang mahal niya ako. Paulit ulit ulit ulit kong inisip 'yon kung bakit gano'n ang naramdaman ko nang hinalikan ko si Bruce.
Malayo na ang nilakad ko.
Umupo ako sa tabi at umiyak. Hindi ko alam kung nasaan ako basta umupo lang ako. Nasa isipan ko pa rin ang paghalikan namin ni Bruce at ang pag-amin niya.
Shit!!!
Bakit ayaw mawala 'to sa isipan ko?
Parang gusto kong balikan si Bruce at yakapin siya. Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko pero 'yon lang ang tanging paraan para itigil niya ang pagkagusto niya sa akin.
Sorry Bruce! Sorry Dudz! Hanggang kaibigan lang ang pagtingin ko sa'yo. Mahal din kita pero bilang isang kaibigan lang.
Ayaw kong masaktan at ayaw kong makasakit dahil sa letsing pag-ibig na 'yan.
Habang nakaupo ako ay nakaramdam na ako ng sakit sa mukha ko dahil siguro sa luha na umagos sa sugat at grabe na ang pamamaga nito.
Walang tigil ng pag-iyak ko.
Bumalik ako sa apartment pero wala akong balak na pumasok loob. Umupo ako sa labas ng gate at naglalaro nalang ng batuhan. Pinagbabato ko ang mga bato na makikita ko na parang wala sa sarili. Nananatili nalang akong umupo doon hanggang sa naabutan na ako ng umaga. Mga 5 am na yata.
Hindi ko namalayan na lumapit pala si Bruce sa akin. Ayaw ko sana siyang kausapin pero naawa ako sa kanya. Nag-alala siya nang makita ang mukha ko dahil sa pamamaga nito. Nag-usap kami at doon ko sinabi na hanggang kaibigan lang muna kami at wala ng mas hihigit pa doon. Alam kong nasaktan siya pero tinanggap niya ito kaya niyakap ko siya at niyakap din niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/108782457-288-k926182.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomanceSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...