Picture above is the apartment of
BRUCE EMPUERTO
REINHART'S POVUMAGA:
•Gumising ng maaga 5 am
•Magdilig sa halaman
•Magwalis
•Magsaing para sa breakfast
•Magluto ng ulam
TANGHALI:
•Magluto para sa pananghalian
•Linisin ang paligid ng apartment at bahay
•Kung may labahin, dalhin sa laundry shop
•Bisitahin ang apartment at tingnan kung may dapat ayusin
HAPON:
•Magdilig sa halaman
•Magluto para sa hapunan
•Esarado ang gate sa apartment 9 pm.Ito ang lista na dapat kong gawin o sundin araw-araw na ibinigay sa akin ni Cathy bago siya umalis kasama si Henry kanina. At sabi pa niya ay may pahinga naman daw ako tuwing Linggo.
So this is it! Pansit!
Ito na sana ang dapat kong gawin ngayong hapon pero kailangan ko munang linisin ang apartment bago pa darating ang bagong uupa.
Nagpaalam muna ako kay Maam Gloria na sa apartment muna ako maglinis.
"Okay Hijo! Ito ang susi oh!" inabot niya sa akin ang susi at kinuha ko. "'Yong kaliwang room ang linisin mo kasi 'yon ang bakante. 'Yong sa kanan kasi ay may nakaupa na do'n."
"Sige po Maam." tumango ako at lumabas na ako sa bahay.
Nasa labas pa lang ako ng gate sa apartment nila ay napanganga na ako habang nakatingin sa apartment dahil sa desinyo nito na parang maliit na Hotel kung tingnan. May parking area ng sasakyan sa kaliwang banda ng building. Up and down ito na may terrace sa itaas.
Kinuha ko na ang susi tapos ay iniinsert ko ito sa doorknob.
Pagbukas ko sa pinto, puro alikabok at mga basura ang bumungad sa akin.
WTF!
Anong klaseng tao o hayop ba ang tumira dito? Bakit napakadumi?
Nagkalat kasi ang mga papel na sa tingin ko ay mga basura na at mayroon ding mga plastic cup ng mga coffe.
Walang mga hiya!
Alam kaya nila na ako na ang bagong maglilinis dito? Papahirapan nila ako, gano'n? Pag-uuntugin ko ang mga ulo nila e!
Sa tantya ko, kahit dodoblehin ko pa ang pagkilos ko ay hindi ko ito matapos ng maaga dahil sa dumi at sa mga nagkalat na mga basura.
Umakyat muna ako sa itaas para do'n ako magsimula sa paglinis para hindi na ako pabalikbalik pa.
Pinagdadampot at inilagay ko muna sa sako ang mga basura at inilagay ko ito sa terrace para mamaya ko na dalhin 'pag bumaba na ako.
Kahit pagdadampot pa lang ang ginawa ko, ang mga pawis ko naman ay nagsisimula ng magsilaglagan dahil napakainit sa loob.
Binuksan ko nalang ang bintana para may hangin na papasok sa loob at mabawasan man lang kahit kaunti ang init na nararamdaman ko. May aircon naman kaso hindi ako marunong magbukas at ayaw ko din 'yang pakialaman baka kasi magalit si Maam Gloria.
Kumuha ako ng tubig sa CR na nasa ibaba.
Wala kasing CR dito sa itaas kaya sa ibaba ako kumuha ng tubig at pagkatapos kung punuin ng tubig ang timba ay dinala ko ito sa itaas pati na rin ang basahan at mop.
Mayroong kama sa taas kaso kailangan pang palitan ng bed sheet dahil puno na ito ng alikabok. Tanging kama lang ang nandito at wala ng iba. May aircon din pala at tsaka cabinet.
Dahil sa ignorante ako sa ganitong mga bagay, sinubukan kong humiga muna sa kama at pagkatapos ay pinagulonggulong ko ang katawan ko dahil gusto kong maramdaman ang lambot na taglay nito.

BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomansaSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...