CHAPTER KATORSE

1.1K 50 1
                                    

BRUCE'S POV

Sinalubong agad ako ni Ate nang makapasok na ako sa opisina. Mukhang may kailangan o sasabihin siya sa akin dahil nginingitian niya ako at may dala siyang papel na hindi ko alam kung ano ang nakasulat.

"Hello Cutie Pie." bati niya sa akin.

"Ano na naman ang kailangan mo? May sasabihin ka ba? Bakit panay ang ngiti mo sa akin?" sunod-sunod na tanong ko.

Parang napakasuplado ko ngayon. Ewan ko ba.

"Dami namang tanong. Pwede bang isa-isa lang muna?" reklamo niya.

"Sige! Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo sa akin."

"Ahmm,, may good news ako sa'yo." sabi niya na ikinatuwa ko naman. Parang may kutob ako na hindi ako matutuloy sa pagpunta ng Cebu.

Yes!

"Ano 'yan?" sabi ko at na-excited sa sasabihin niyang good news. "Hindi na ba ako matutuloy sa Cebu?"

"Ay, hindi!" sabi niya. Bigla akong kinabahan pero may kaunting saya pa rin akong naramdaman dahil sinabi niya sa akin na may good news siyang sasabihin sa akin.

"Ano ba 'yang good news mo na 'yan?" tanong ko sabay tingin sa pintuan. Pumasok na din kasi si Niel.

"Morning Maam! Morning Sir!" bati niya sa amin at dumeritso siya sa mesa ko.

"Morning Niel!" bati naman ni Ate. "Ahmm, Bruce, ang good news ko ay ngayong gabi ka na pupunta sa Cebu. Excited ka na ba?"

"Huh?!" nabigla ako sa sinabi niya kaya napasigaw ako.

Ako excited pupunta ng Cebu?

Hindi!!!

'Yan na ba ang good news na sinabi niya?

Put@ng ina!

Napakalaking bad news at ngayong gabi na talaga ako aalis?

"Grabe ka naman Bruce! Kung makasigaw ka sa akin wagas." reklamo niya.

Bahala siya kasi nagulat talaga ako sa sinabi niyang good news.

"Bakit ngayong gabi agad?" galit na galit kong tanong. "'Di ba ang sabi mo sa akin noong isang araw ay next week pa ako aalis dito? Bakit bigla nalang nag-iba?"

"E kasi itong si Si Taw at si Ba Taw, minamadali na ako. Email ng email sa akin kung kailan daw natin umpisahan ang paggawa ng building na ipapatayo nila. Kailangan daw na bukas ay mauumpisahan na."

Matatawa na sana ako sa mga pangalan ng mga chikwa na 'to e pero pinigilan ko lang.

Galit na galit ako sa Ate ko e.

"Bakit? Ako lang ba ang pwedeng tumingin? May mga engineer naman doon ah! Bakit hindi nalang sila ang titingin doon?" reklamo ko.

"Meron nga! Kaso ikaw na ang na e-recommend ko kay Si Taw at Ba Taw." mahinahon niyang paliwanag sa akin.

"Hay naku Ate! Ewan ko sa'yo! Hindi kita maintindihan!" padabog akong pumunta ng mesa ko at kinuha ang aking laptop.

Nakatingin lang sa akin si Niel.

"Bakit ka ba nagkaganyan ngayon huh? 'Di ba dati ay gustong gusto mong pumunta ng Cebu? Bakit ngayon ay hindi na?" mataas na ang boses niya. Mukhang galit na rin siya.

Hindi rin ako nagpatalo at sinigawan ko rin siya. Wala na akong pakialam kay Niel kung nakikita niya kaming nag-aaway.

"Dati 'yon Ate! Dati 'yon at iba na ako ngayon!"

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon