****************************************************************
READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))
****************************************************************
*Zoe*
Maghapon na namang mainit ang ulo ni David kanina. Kahit maliit na pagkakamali lang sinisita na niya agad. Pagdating naman niya sa bahay dumiretso lang siya sa kwarto niya at hindi na lumabas.
Hindi ko na alam kung ano pang pwede kong gawin para makuha ulit yung loob niya. Gusto ko rin sana siyang makausap regarding sa nangyari kanina kaya lang mukhang wala akong pag-asang makausap siya.
*Daniel*
I can't understand Zoe. Bakit hanggang ngayon pinagpipilitan pa rin niya yung sarili niya kay David. Eh, kitang-kita naman na ayaw na sa kanya by the way he treats her. And for god's sake, hindi man lang niya sinabi sa akin na pumirma na pala siya sa annulment papers nila.
Kung hindi lang niya talaga ako pinigilan kahapon, nasuntok ko na yung lalakeng iyon. Ang kapal ng mukha niya. Siya pa yung may ganang magalit pagkatapos ng mga ginawa niya kay Zoe.
"Kuya, si Zoe na naman ba?" tanong sa akin ni Seoi.
"Kausapin mo yang kaibigan mo ng magising sa katotohanan. Gusto ata maging martyr." sabi ko sa kanya tapos pumasok na ako sa kwarto ko.
*Zoe*
Nakasalubong ko si David sa hallway pagkalabas ko ng boardroom. Nakikipagusap at nakikipagtawanan pa siya sa iba naming colleagues. Simula noong dumating ako dito, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Bigla kong namiss yung dating siya.
Nang makita niya ako, nagbago agad yung mood niya. Biglang nawala yung mga ngiti niya na para bang ako yung dahilan ng pagkasira ng araw niya and I'm the last person that he doesn't want to see.
"I'll go ahead." Narinig kong paalam niya sa kanila. He didn't even bother to look at me nang dumaan siya.
Sinundan ko siya papasok sa office niya. Umupo lang siya sa chair niya.
"About yesterday..." I started talking. "Concerned lang si Daniel kaya siya napasugod sa office mo. I'm sorry about that. He's really a good friend of mine."
"I don't need your explanation. Wala akong pakialam kung ano mang relationship niyong dalawa. Next time, ayokong may bigla bigla na lang nangugulo sa office ko." sagot niya sa akin.
Of course, ganyan yung magiging sagot niya sa akin. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magiging iba yung pakikitungo niya sa akin pero wala eh kaya lumabas na lang ako sa office niya.
*Steven*
Nasa kalagitnaan kami ng meeting ng biglang namatay lahat ng ilaw at bumukas yung emergency light. Tumunog yung alarm hudyat na kailangan naming lumabas ng building.
Akala namin earthquake/fire drill lang pero nakareceive kami ng text message na isang machine sa production area 1 yung sumabog kaya nagmadali kaming bumaba ng stairs at lumabas.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETE
Romance"367th." It's the 367th na nataggap ko for the last 7 years. Mas lalo pa akong naging sigurado sa sinabi ko kay kuya na ako na lang ang pupunta ng Sydney instead of him dahil hindi ko naman pwedeng iwasan na lang palagi yung situation ko ngayon...