Chapter 10 - #IWFILGameofHearts

851 25 10
                                        

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Vince*

Ininvite ako ni Tita Emms na sumama sa mini outing nilang family kaya sumama na ako. Halos monthly nila ginagawa yun simula nang lumipat sila dito Sydney. Pinakahuli akong dumating sa table namin for lunch kaya hindi ko na naabutan lahat ng mga nangyari. Nagulat na lang ako na may pinakilalang girlfriend si David at nandito rin si Zoe sa resort pagkatapos ikwento sa akin ni Norman.

Tinititigan ko yung kasamang babae ni David. Mejo familiar yung hitsura niya sa akin. Parang nakita ko na siya dati.


"Tita, sino yung babae?" tanong ko kay tita Emm.


"She's Cassandra. Ilang beses na rin siyang pumunta sa Pilipinas like nung Christmas Party ng GTEC and kung naaalala mo pa siya yung babaeng kasama ni David pagbalik niya from Sydney 7 years ago."


"Oh! Naalala ko na. Yung pinagselosan ni Zoe dati?"


Tumango si tita bilang pagsang-ayon.


Tinignan ko si David. I don't know what kind of game he's playing pero alam kong palabas lang niya to. Ni hindi ko nga alam na may girlfriend siya samantalang halos araw-araw kong kasama siya at halos office at bahay lang siya. Minsan lang din siya mag-aya na uminom.



*Daniel*

"Gusto mo na bang umuwi or umalis na dito?" tanong ko kay Zoe baka kasi ayaw na niya dito at nahihiya lang siyang sabihin sa amin.


"Nakakahiya naman sa kaibigan mo kung aalis ka ng dahil sa akin. Ininvite ka pa naman din niya. Let's stay here. Huwag kayong mag-alala okay lang ako." She assured us.


"Kung ganoon let's enjoy our stay here." sabi ko sa kanila pareho.


"Tama! Mag enjoy tayo." sabi ni Seoi.


Wala kaming ginawa maghapon kundi magstay lang sa villa. It was almost dinner time ng ayain ko sila na pumunta na sa restaurant dahil nagprepare daw ng special dinner for us yung kaibigan ko. 

Pagdating namin nandoon na rin sila David at yung family niya. Nakaupo siya katabi nung babae.


"Zoe!" Narinig naming may tumawag kay Zoe kaya napunta yung direction namin sa kanila.


"Vince nandito ka rin pala." Narinig kong tawag niya sa lalaki.


"Yap. Medyo late lang ako kanina kaya hindi tayo nagpang-abot. Anyway, Why don't you guys join us?" Aya niya sa amin. "For old time's sake?"


Yung ibang kasama nila inaya na rin kami kaya wala na kaming choice kundi makisama sa table nila out of courtesy kahit ayoko sana.

Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon