Chapter 4 - #WBILHighHopes

905 28 4
                                    

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Zoe*

After office hours umuwi agad ako ng maaga para maayos ko na yung mga gamit ko. Lilipat na ako ngayong gabi sa bahay ni David. Hindi ko na rin sinabi kay kuya yung tungkol dito dahil alam kong mag-aalala lang silang lahat sa akin pag nalaman nila. I'm just hoping na tama ang naging decision ko. Alam kong hindi magiging madali ito pero magtitiis na lang muna ako para malaman ko yung mga sagot sa tanong ko at para malaman kung bakit ginagawa ni David to.

Pagkatapos kong magligpit, icheck at ilock yung flat ni kuya tumawag na ako ng cab para ihatid ako sa address na binigay ni David sa akin kanina.

Medyo malayo rin yung naging biyahe ko. Tumigil yung cab sa tapat ng isang mataas na building. Pumasok ako doon at kinausap ko yung receptionist. Tinawagan niya ata si David sa taas para sabihin na may naghahanap sa kanya dito. After nilang mag-usap sinabihan na ako ng receptionist na pwede na akong umakyat sa taas.

Hinila ko na yung dala kong luggage papasok ng elevator. Pinress ko yung 16th floor. Isang malawak na living room na agad yung bumungad sa akin pagkabukas nung elevator. Katulad ng interior ng office niya na masculine yung design ganoon din yung interior ng bahay niya. Puro dark yung motif ng mga furnitures at appliances niya.

Nakita ko siyang pababa ng hagdan.


"Buti naman lumipat ka na agad para matapos na tong kalokohan mo." bungad niya agad sa akin.


Hindi ko na lang pinansin yung mga sinabi niya.


"Umakyat ka na lang. Nasa taas yung magiging kwarto mo malapit sa banyo. Huwag mong kalimutan yung mga napagusapan natin kanina." sabi niya sa akin tapos umakyat na ulit siya sa taas.


Hindi man lang niya ako tinulungang iakyat yung mga gamit ko. Dahan dahan kong binuhat paakyat yung mga gamit ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Maliit lang yung room pero may mga cabinet at dresser na pwedeng paglagyan ng gamit. Wala ring sariling bathroom kaya sa labas na bathroom yung gagamitin ko. Wala ring table at chair na pwede kong lagyan ng laptop ko. Doon na lang ako sa dining uupo kapag may trabahong dapat gawin.

Niligpit ko muna yung mga gamit ko tapos bumaba ako para uminom ng tubig. Walang kalaman laman yung ref niya kundi puro tubig. Dadaan na lang ako bukas sa supermarket para bumili ng mga supplies.



*Steven*

Kakadating lang ni Sir David pinatawag na niya agad ako sa office.


"Steven, maghanap ka ng vacant na office or cubicle tapos palipatin mo si Zoe doon." utos niya sa akin.


"Sir, bakit po?"


"Huwag ka nang mag tanong. Gawin mo na lang."


Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang palipatin si Maam Zoe doon. Ginawa ko naman agad yung inutos niya. Naglibot at nagtanong na rin ako pero wala nang vacant na office or cubicle kaya binalita ko agad yun kay Sir David.

Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon