****************************************************************
READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))
****************************************************************
*Zoe*
Nakabalik na ako kaninang madaling araw sa flat ni kuya. Pagkatapos ng mga nangyari last night narealize kong panahon na siguro para ibigay ko na yung hinihingi ni David. Siguro hindi na nga niya ako mahal at pinipilit ko na lang yung sarili ko sa kanya. Siguro nga naging selfish ako kahit papaano. Nagawa ko lang naman yun dahil mahal ko siya at umaasa akong maayos pa yung sa aming dalawa after all these years. After hearing those words from him last night sobrang nasaktan talaga ako.
Pagdating ko sa office dumiretso agad ako sa office niya. Hawak-hawak ko na ngayon yung annulment papers at affidavit.
"Andiyan na po si Sir David. Kausap lang po si Sir Vince." nakangiting sabi pa ni Steven sa akin. I'm not in the mood to smile pero pinilit ko pa ring ngumiti.
Nasa harapan na ako ng pinto niya. Napahinto ako sa pagbukas noon. Hindi ko ata kayang makita siyang nakangiti kapag tinanggap niya yun mula sa akin.
"Steven..." tawag ko.
"Yes maam?"
"Can you please give this to him? It's our annulment papers and my affidavit." Pakiusap ko sa kanya.
He knows our deal kaya nagulat siya sa mga sinabi ko pero hindi na siya nagtangkang magtanong. Kinuha na lang niya iyon.
*Vince*
Kausap ko ngayon si David about sa presentation kahapon. I just want to know yung basehan niya sa pagpili ng decision.
"I already said my reason yesterday. Hindi pa ba sapat yun para maniwala ka." sabi niya sa akin.
"Yes mukha kasing pinersonal mo si Zoe. Feasible naman yung concept niya. It's a risky move pero worth it naman in the end kapag naging successful. Like she said yesterday, GTEC will be the first one to use this technology and mas magiging efficient yung mga machines ni Mr. Buenavidez. You just need to trust her. Malay mo maging kapartner pa natin ang NRI in doing this. Besides, Cass concepts is already existing and nothing new. Why don't you present these two concepts to Mr. Buenavidez and let him choose what he wants." I suggested trying to convince him.
"No, I already made my decision. I won't risk anything. Doon na ako sa sigurado. Proven and tested." Ayaw niya talagang makinig.
"Sabihin mo ayaw mo lang talagang makatrabaho si Zoe." side comment ko. For sure yun naman talaga yung reason niya.
Nakarinig kami ng katok tapos pumasok si Steven.
"Sir David pinapabigay po ni Maam Zoe. Annulment Papers po niyo daw po at Affidavit niya." May inabot siyang papers kay David.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETE
Romance"367th." It's the 367th na nataggap ko for the last 7 years. Mas lalo pa akong naging sigurado sa sinabi ko kay kuya na ako na lang ang pupunta ng Sydney instead of him dahil hindi ko naman pwedeng iwasan na lang palagi yung situation ko ngayon...