Chapter 19 - #IWFILAfar

765 28 5
                                    

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*David*

Dinner time na pero hindi pa bumababa si Zoe kaya inutusan ako ni Nay Coring na puntahan ko siya sa kwarto niya para tawagin kung sakaling gising na siya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan yung pinto. Nakatalikod siya sa pinto pero nakahiga pa rin siya. 


"Kakain na." sabi ko na lang sa kanya.  I don't know how to approach her this time dahil sa mga nagawa ko kanina.


"I'm not hungry." sagot niya sa akin.


"Fine." Hindi ko na alam yung sasabihin ko kaya lumabas na lang ako at sinara yung pinto.



*Zoe*

It's almost 11 pm ng marinig kong kumukulo na yung tiyan ko. Kanina pa ako nagugutom dahil breakfast lang ako kumain pero ayokong bumaba kanina kasi siguradong kasabay ko si David na kakain ng dinner.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayong alam na niya yung trauma ko. At some point ayoko siyang sisihin sa mga nangyari kanina dahil hindi naman niya alam yun pero sana nakinig siya nang makiusap akong bagalan niya yung pagmamaneho niya.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip. Patay na lahat ng ilaw kaya lumabas na ako. Dahan-dahan rin akong naglakad sa hagdan para hindi na sila magising. Hindi ko na rin binuksan yung mga ilaw at tanging ilaw na lang sa gilid ng hagdan yung nakabukas. Nang nasa kitchen na ako tinignan ko yung ref para maghanap ng pagkain. Nakalagay na sa mga tupperware yung mga natirang pagkain kanina.

Nilabas ko lahat iyon tsaka ako kumuha ng plato. Hindi ko na lang iinitin dahil baka marinig nila ako.



*David*  

Hindi pa ako natutulog dahil hinihintay kong lumabas si Zoe sa kwarto niya. Naka-on yung television ko at makikita ko doon kung lalabas siya dahil may nakainstall na cctv camera sa buong bahay maliban sa mga kwarto at cr.

Nakita kong naglalakad siya sa hagdan kaya zinoom-in ko iyon agad. Hindi man lang niya binuksan yung mga ilaw at umasa na lang siya sa mga ilaw sa gilid ng hagdan.

Sunod kong zinoom-in yung camera sa kitchen. Binuksan niya yung ref at kumuha siya ng pagkain doon. Naglagay siya sa plato  tapos naupo na siya.

Wala ba siyang balak buksan yung mga ilaw at kakainin ba niya ng malamig yung pagkain niya?

Hindi nga niya ininit yung pagkain niya dahil nagsimula na siyang kumain. Napansin kong hirap siyang kumain dahil naka sling yung right arm niya.


"Tsk tsk." Napailing na lang ako.


Bumaba ako sa kitchen. Binuksan ko lahat ng ilaw kaya nagulat siya ng makita niya ako. Kinuha ko yung plato niya tsaka ko nilagay sa microwave para initin.



*Zoe* 

Nagulat ako ng biglang bumukas yung ilaw. Nilapitan agad ako ni David tapos kinuha niya yung plato ko at nilagay yun sa microwave.

Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon