Chapter 3 - #WBILToGetHer

1.2K 39 26
                                    

A/N:

Sorry guys late and short update lang. Madaming kasing ginagawa sa school.

Bawi ako on my next update. Promise yan! :)

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Zoe*

Umagang umaga pa lang mainit na agad yung ulo ni David. Naririnig ko mula sa labas ng office niya na may pinapagalitan na naman siya. Kaya ako nandito dahil pinapatawag daw niya ako sabi ni Mildred sa akin.

Nang lumabas yung kausap niya pumasok agad ako sa office niya. Umupo ako sa isang couch tapos pinagmasdan ko yung buong office niya. Napaka masculine ng interior at kahat ng mga gamit. Wala man lang naka display na picture frames sa office or sa table niya unlike before sa dating office niya merong nakalagay. 

Pagkatapos niyang kunin yung mga papers niya umupo siya sa katapat na couch.


"Papayag ako sa gusto mo but I also have my terms and conditions." Panimula niya. "First, doon ka sa bahay ko titira. Second, walang dapat makaalam na magkasama tayo sa iisang bahay. Third, you're not allowed to enter my room and touch my personal things. Huwag mo rin akong papakialaman. Fourth, don't expect na magiging maayos ang trato ko sa iyo. Fifth, you violate one of the rules magiging void yung one month na hinihingi mo and you need to give me immediately our annulment papers and your affidavit saying na hindi ka tatanggap or maghahabol sa assets ko."


Lahat ng terms and conditions niya in favor sa kanya.


"Saan ako matutulog kung bawal akong pumasok sa kwarto mo?" I clarified.


Natawa siya sa tinanong ko.


"Are you expecting na tabi tayo sa pagtulog? Sa guest room ka matutulog."


"Change rule number 3. Tabi tayong matutulog."


"Ayoko."


"Then, hintayin mo na lang akong mamatay."


"Okay."


Hindi man lang siya nagreact na matagal pa bago mangyari yun.


"I can hire someone to kill you. Mas magiging mabilis pa yung process nun compared sa one month na hinihingi mo." May banta sa boses niya.


"Kaya mong ipapatay ako?"


"I wouldn't hesitate to do that kung yun na lang yung paraan para makuha ko ang gusto ko. Besides, you're nothing to me and hindi ka naman malaking kawalan sa akin." diretsong salita niya.


Ang sakit marinig mula sa kanya lahat ng iyon. Kahit ba konti wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin. Ganoon lang ba ako kabilis kalimutan. Napakasama niya talagang tao. How could he say those things to me?


"Having second thoughts my soon to be ex-wife? Kung ayaw mo then pumirma ka na dito para tapos na yung usapan natin at hindi na tayo mahirapan." He smirked in triumph.


Napaisip ako. May mga bagay akong kailangang malaman at gustong maconfirm mula sa kanya kaya kailangan kong pumayag sa lahat ng mga gusto niya. Yun din yung isa sa mga dahilan kaya ako nagdecide na pumunta rito kahit walang kasiguraduhan na magiging maayos lahat. Kailangan ko lang magtiis para malaman ko yung mga sagot na hinahanap ko.


"Pumapayag na ako sa mga terms and conditions mo." sabi ko sa kanya.


"Good. Pumirma ka na." Inilatag niya sa table yung mga papers.


Una kong pinirmahan yung terms and conditions niya tapos yung annulment papers namin.


"I'll keep this." Kinuha ko yung annulment papers namin tapos binigay ko sa kanya yung terms and conditions niya.


"Here's my address. Pumunta ka na lang sa bahay ko kung gusto mo nang lumipat." May inabot siya sa aking papel.


Hindi man lang niya ako susunduin or ipapasundo. Nagbago na talaga siya.


"Now, kung wala ka nang business dito. Makakaalis ka na." sabi niya sa akin.



*Daniel*

Nagulat ako sa binalita sa akin ni Seoi na nag leave daw ng one month si Zoe para pumuntang Sydney para maging replacement ng kuya at daddy niya. Ang alam ko lang kasi talaga one week lang siya mawawala para umuwi sa Philippines at i celebrate yung birthday ng daddy niya.

Nababahala tuloy ako sa pagpunta niya ng Sydney. Nandoon yung asawa niya and I know she's up to something.

Mahal ko si Zoe at alam niya iyon. Matagal na rin akong humihingi ng chance sa kanya but she won't allow me to love her dahil may asawa na daw siya.

I respected that pero matagal na silang wala at tanging siya na lang yung hindi bumibitaw sa kanila. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw pang pumirma ni Zoe sa annulment papers nila. I cannot convince her either. How I wish she would sign that papers para maging malaya na rin siya at para pwede ko na rin siyang mahalin.

I cannot afford to lose her now. I cannot let that man hurt her again. Marami na siyang nagawa para saktan si Zoe and ayoko na ring makitang nasasaktan siya.


I know what to do.


Susundan ko siya sa Sydney. Besides, may chain of restaurant rin namin kami doon kaya madali lang mag dahilan sa kanya na business related ang ipinunta ko doon.


"Uuwi ako sa Sydney this week."


"Sama rin ako kuya." sabi ni Seoi sa akin.


I'm coming to get her.


****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************



Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon