A/N:
Another update!
****************************************************************
READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))
****************************************************************
*Zoe*
Wala pa ring dinadalang paperworks si David kagabi nung umuwi siya. Ayoko ko nang mag stay dito sa bahay niya ng walang ginagawa kaya sa ayaw at sa gusto niya papasok na ako sa office ngayon.
Sinubukan pa akong pigilan ni Nay Coring pero inexplain ko naman sa kanya na nabobored na talaga ako dito kung wala nanaman akong gagawin maghapon.
At isa pa kaya ko naman na alagaan sarili ko.
*David*
"Sir, mga paperworks po ulit para kay Maam Zoe." Pinatong ni Steven yung mga papers sa mga nakatambak na pile sa table ko.
Hindi ko namalayan na sobrang tambak na pala ng paperworks sa table ko. Mostly para kay Zoe yung mga iyon but since hindi pa siya pumapasok ulit dito sa office dahil sa accident lahat ay pinapaderetso ko na lang muna dito sa akin.
Dadalhin ko sana ito pauwi last night pero hindi ko na lang muna dinala para naman makapagpahinga siya ng todo.
"I just saw her in her office Sir." Bigla niyang sinabi sa akin.
"What?! You just saw her in her office?" Nagulat naman ako sa binalita niya sa akin. Paanong nasa office si Zoe eh siguradong nasa bahay siya ngayon.
Tinawagan ko agad si Nay Coring to confirm this news.
"Hindi ko napigilan. She insisted going to work. Nabobore na daw siya dito sa bahay kaya pinayagan ko na." sagot sa akin ni Nay Coring pagkatapos ko siyang tanungin.
Damn it.
"Sige Nay. Uuwi na rin po kami ngayon." Paalam ko sa kanya. Agad akong tumayo sa upuan ko at lumabas ng office. Dumiretso ako sa office niya. Wala siya doon pagdating ko.
"Sir, pantry." sagot sa akin ni Mildred.
Pumunta kami sa pantry at nandoon nga siya. Hindi pa talaga niya suot yung sling gaya ng payo ng doctor. Ang tigas talaga ng ulo! Lalo pang lumala ng may nakabangga pa sa kanya kaya nabitawan niya yung hawak niyang baso at nabasag iyon.
*Zoe*
Napahawak na lang ako sa kanang balikat ko ng mabangga ako ng isa sa mga employee sa pantry. Kumuha lang naman ako ng juice.
Nabigla na lang ako ng makita ko ring nakatayo si David sa likod ko. Nakakatakot yung mga tingin niya sa akin.
Mabilis namang umalis yung ibang tao doon pagkatapos nilang makita siya kaya kaming tatlo na lang natira kasama si Steven.
"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" Pasigaw niyang sabi sa akin. "BAKIT KA NANDITO? HINDI KA BA MARUNONG MAKAINTINDI? SINABI NG DOCTOR NA MAGPAHINGA KA DI BA AND YOU'RE NOT WEARING YOU'RE SLING FOR GODDAMN SAKE ZOE!" He was really furious at me. Napaatras na lang ako sa counter sa sobrang takot. Kahit sinong titingin sa kanya siguradong matatakot din.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETE
Romance"367th." It's the 367th na nataggap ko for the last 7 years. Mas lalo pa akong naging sigurado sa sinabi ko kay kuya na ako na lang ang pupunta ng Sydney instead of him dahil hindi ko naman pwedeng iwasan na lang palagi yung situation ko ngayon...