Chapter 5 - #WBILDay2

822 27 8
                                    

A/N:

Thank you sa laging pag-aantay ng mga updates ko kahit na natagalan ako bago makapagupdate ulit. Sobrang naappreciate ko yung mga comments niyo na inaabangan niyo talaga yung story nila David at Zoe.

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Zoe*

Nauna na akong umuwi kaysa kay David dahil mukhang mag-oovertime siya ngayon. Hindi ko na rin siya ginulo dahil siguradong iinit na naman yung ulo niya sa akin.

Dumaan muna akong supermarket para bumili ng supplies namin dito sa bahay. Nakapagluto na rin ako ng dinner naming dalawa. Inaantay ko na lang siya para sabay na kaming kumain ng dinner.

Anong oras kaya siya dadating? Almost 10pm na wala pa din siya.


"Antagal mo naman David. Gutom na gutom na ako." sabi ko sa sarili ko.


Ilang minuto lang narinig kong bumukas yung elevator.


Andiyan na siya! Lumapit naman ako agad sa kanya.


"Ginabi ka ata. Madami kang trabaho sa office?" tanong ko sa kanya.


"Mas mabuti nang madaming trabaho sa office kaysa makita at makasama kita dito." sagot niya sa akin bago siya dumiretso sa kitchen at uminom ng tubig.


Sinundan ko naman siya sa kitchen.


"Nagprepare ako ng dinner. Baka gusto mong kumain?" Alok ko sa kanya.


"Wala akong gana."


"It's your favorite adobo." pilit ko sa kanya.


"Will you stop!" napasigaw siya. "What are you trying to do?" tumingin siya sa akin.


"Naisip ko lang na gutom kana pag-uwi mo kaya ipinagluto kita. Kung ayaw mo akong kasabay kumain aalis muna ako basta kumain ka lang ng dinner." sagot ko sa kanya tapos iniwan ko na siya sa kitchen.


Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos niya.



*Daniel*

Pagkalapag pa lang ng plane sa Sydney airport tinawagan ko agad si Zoe. Kahit alam kong sa flat siya ng kuya niya nakatira kailangan ko pa ring siguraduhin kung nasaan siya.


"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later..."


"Kuya, bukas mo na lang siya tawagan baka tulog na." sabi sa akin ni Seoi.


Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon