A/N:
Dahil busy na ako tuwing weekdays, every weekend na lang ako makakapag update. :)
****************************************************************
READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))
****************************************************************
*Daniel*
Kahit na busy ako ngayon sa restaurant nagmadali akong umalis agad matapos tumawag si Seoi na may nangyari daw kay Zoe.
Dumiretso agad ako sa clinic ng mall kung nasaan sila. Nakita ko yung kapatid ko na nakaupo sa bench.
"Bakit pa kayo andito?" tanong ko agad sa kanya. "Dapat dinala na siya sa hospital."
"She refused. Okay naman daw siya." sagot niya sa akin.
"Where is she?"
"Gising na siya. Kinakausap siya nung lolo ng bata sa loob."
Naghintay kami ng halos kalahating oras bago bumukas yung pinto. Naunang lumabas yung bata kasama yung lolo niya.
Pagkaalis nila pumasok na kami agad ni Seoi sa loob.
"Kamusta ka? May masakit ba sa iyo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"I'm okay. Huwag na kayong mag-alala." Nakangiti pang sagot niya.
"Hindi ko mapigilang mag-alala but I'm glad you're okay." Niyakap ko siya.
Inaya na rin niya kaming umuwi dahil gusto na niyang magpahinga.
*Zoe*
Sobrang sama ng pakiramdam ko paggising ko. Nahihirapan akong bumangon dahil hindi ko maigalaw yung kanang balikat ko.
Hindi ko sinabi kanila seoi kahapon dahil ayaw ko na silang mag-alala pa sa akin. Kahapon ko pa naramdaman na masakit yung kanang balikat ko. Akala ko magiging okay na ngayong araw pero mas lumala pa to the point na hindi ko na maigalaw. Konting galaw ko lang sobrang sakit ng nararamdaman ko.
*Vince*
Mainit na naman ang ulo ni David dahil hindi nagustuhan ni Mr. Buenavidez ang presentation na ginawa ni Cass kanina. Dapat alam na niya iyon dahil wala namang bago sa pineresent ni Cass. He should have risked Zoe's idea. I think mas matutuwa pa noon si Mr. Buenavidez.
Now he's about to lose one of his biggest client.
Speaking of Zoe, kasama dapat siya sa meeting kanina kaso lang di pa siya dumadating at hindi alam ng secretary niya kung bakit wala pa siya kaya dumagdag pa yung init ng ulo ni David.
Papunta na ako sa office ko after ng lunch break ng makita ko si Zoe na nagmamadaling maglakad.
"Bakit ngayon ka lang?" Hinarang ko siya.
Nang tumingin siya sa akin napansin kong namumutla siya.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETE
Romansa"367th." It's the 367th na nataggap ko for the last 7 years. Mas lalo pa akong naging sigurado sa sinabi ko kay kuya na ako na lang ang pupunta ng Sydney instead of him dahil hindi ko naman pwedeng iwasan na lang palagi yung situation ko ngayon...