****************************************************************
READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))
****************************************************************
*Miguel*
"Kuya, kaya ko na ang sarili. Don't worry about me." sabi sa akin ni Zoe matapos akong magbilin sa kanya bago siya umalis papuntang airport.
"I can't stop worrying about you." ulit ko pa rin sa kanya. Hindi ko talaga maalis na hindi mag-alala sa kanya dahil siya lang mag-isa doon at makakasama niya pa si David.
"Kuya, hindi na po ako bata. Daig mo pa si dad eh." reklamo niya.
"Hanggat hindi pa nagigising si dad, ako muna ang dad mo."
"I know. Ikaw na rin bahala dito kuya. Take care of our family. I'll do my best doon."
"Mag-ingat ka. Kapag nagkaproblema ka tawagan mo agad ako. Don't force yourself, kapag hindi mo na kaya just go home okay?" dagdag ko sa mga bilin ko sa kanya. "lalong lalo na yan." turo ko sa puso niya. Tumango naman siya sa akin.
Dumaan muna kami sa hospital para magpaalam kanila mom and dad bago ko siya ihatid sa airport. Pinipigilan pa nga siya ni mom na tumuloy sa Sydney pero sinabi na lang niya na aside from business may mga kailangan pa siyang ayusin sa pagitan nila ni David at naintindihan naman iyon ni mom kaya itinigil na niya yung pagpigil niya sa pag-alis ni Zoe.
*Zoe*
Kahit may jet lag pa ako simula noong dumating ako from New York at mas lalong pang lumala dahil advanced ng 3 hours ang Sydney compared sa Manila pumasok pa rin ako kinabukasan.
Habang nasa biyahe ako papuntang Sydney Central Business Park kung saan naroon ang GTEC Main Office napatingin ako sa window ng train na sinasakyan ko. Andami palang pwedeng puntahan dito. First time ko ring makarating dito sa Australia kaya naman naexcite rin akong mag-iikot at mamasyal kung kakayanin pa ng oras ko.
Pagdating ko sa GTEC, napansin kong napakalawak ng compound ng company. Magkasama na kasi ang planta sa mga offices unlike noon na nasa Manila ang offices at nasa Laguna yung planta. Sinalubong ako ng secretary ni Kuya na si Mildred sa lobby tapos siya na naghatid sa akin sa office ni kuya sa 5th floor.
"Maam, this will be your office." sabi niya sa akin pagpasok namin doon. "Infront of your office is the CEO and President's office. Beside is the Chairman's office." turo niya sa akin. "Right now, Sir David is on a business trip and according to his secretary he will be arriving tomorrow. Sir Leo only comes here if Sir David is not around." kwento niya sa akin.
"I will be leaving you for now maam. If you need anything, just call me." Paalam niya sa akin.
"Okay. Thank you." I told her. Lumabas na siya ng magiging office ko. Simple lang yung office ni kuya. May mga pictures rin sa table niya. Picture nila ni ate Donna kasama si Liam at Lianna, picture ng family ko at solong picture ni ate Donna. Ang alam ko madalas pumunta dito sa Sydney si kuya at minsan kasama pa niya yung family niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/79261829-288-k399788.jpg)
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETE
Romansa"367th." It's the 367th na nataggap ko for the last 7 years. Mas lalo pa akong naging sigurado sa sinabi ko kay kuya na ako na lang ang pupunta ng Sydney instead of him dahil hindi ko naman pwedeng iwasan na lang palagi yung situation ko ngayon...