Chapter 9 - #WBILComeback

784 28 8
                                    

A/N: 

I'm definitely back guys! Sorry kung nawala ako ng napakatagal!!!!!!! 

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Zoe*

Nagising ako dahil narinig kong may bumababa sa hagdanan. Napabangon ako agad dahil nakita ko si David na nakabihis na pang-office at paalis na siya.

I checked my phone and 7 am na pala. Hindi na ako nakalipat sa taas sa sobrang pagod ko kagabi. Hindi rin ako nakapagdinner kaya kumakalam na sikmura ko ngayon.


"Hindi tulugan yang sofa. May kwarto ka diba?" mataray na naman siya sa akin. 


"Sorry. Nakatulog na ako dito sa sobrang pagod ko kahapon."


"I don't care kung anong mang dahilan mo. Make sure you sleep in your room next time." 


Wala na siyang ginawa ngayong araw kundi tarayan at magalit sa akin. Feeling ko tuloy wala na akong ginawang tama.

Ang bilis ng araw friday  night na ngayon. May gagawin kaya si David ngayong weekend? Gusto ko sana siyang ayain mamasyal para naman makaikot ako dito. I've heard so many things about the must see places here in Sydney. I assume familiar naman na si David doon kasi matagal na siya dito. 

Nakita kong pababa siya ng stairs na may dala dalang bag. Saan kaya siya pupunta? Nilapitan ko naman siya agad kahit nakaapron pa ako dahil nagpreprepare ako ng dinner namin.


"Aalis ka ba?" tanong ko sa kanya.


"It's none of your business." sagot niya sa akin.


"We have a deal. Remember? So basically dapat nasa bahay ka this weekend."


"So what kung may deal tayo. Ang usapan lang naman natin ay titira tayo sa isang bubong. Wala naman sa usapan natin na kailangan nasa bahay ako ng weekend. Besides, I have a business meeting to attend to." sagot niya sa akin.


Kahit weekend magtratrabaho pa rin siya. 


"Gusto lang sana kitang ayain lumabas bukas or sa susunod na araw. Hindi pa rin kasi ako nakakalibot dito." Aya ko sa kanya.


"Huwag ka nang umasang sasama ako sa iyo. That's beyond our deal." sagot niya uit sa akin. tapos naglakad na siya papunta sa elevator. 



*Daniel*

Pinatawagan ko kay Seoi si Zoe para ayain siyang lumabas kasama namin ngayong weekend. Ininvite kasi kami ng kaibigan ko sa resort kung saan siya nagtratrabaho.


"Anong sabi?" tanong ko sa kanya pagkatapos nilang mag-usap.


Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon